Dinala ko si Lyo sa kanyang silid. Matapos ng tagpong iyon kanina ay dali-dali ko siyang dinala pabalik sa palasyo. Nabigla pa nga ang lahat nang makita ang kalagayan niya. Pero nang sinabi kong inatake kami ng Incubus na nagngangalang Kiel o Casmon ay nanahimik na lang sila at hindi na nagtanong pa, kaya ako tuloy ang nagtaka. Dapat may sasabihin sila, e, pero wala! Inihiga ko siya sa kanyang kama at hinintay ang pagdating ni Viann. Inutusan ko kasi siyang kumuha ng pamunas at gamot para sa mga galos na natamo ni Lyo. Pinagmasdan ko ang mukha ng anghel, at hindi ko mapigilang hindi mahabag sa kalagayan niya. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit sa demonyong iyon. Isinusumpa ko na kapag nagkita kami, hinding-hindi ko na siya papatakasin. Tatapusin ko ang kanyang buhay! Sino ba s

