Nakita ko ang panginginig sa takot ng Succubus. Kada hakbang ko palapit sa kanya at siyang atras naman niya palayo sa akin. Napapangiwi pa rin ako dahil sa hapdi ng sugat na natamo ko dahil sa latigo niya. Siguro naman, sapat pabaon na ito sa kanya sa kanyang paglisan, 'di ba? "Nasaan na ang angas at tapang mo, Succubus? Kani-kanina lang ay wala akong makitang ni katiting na takot sa mukha mo, pero ano itong nangyayari ngayon? Bakit nag-iba na yata? Bakit wala na akong makitang ni katiting na tapang sa mukha mo?" pang-aasar ko sa kanya. Huminto ako 'di kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung wala lang sana niyang sungay, pulang mga mata, matutulis na kuko, at mga itim na marka sa katawan, aakalain mo isa siyang anghel ng kagandahan. Nakakalinl

