"Lyo..." tawag ko sa anghel na nakakita sa amin ni Kiel. Kitang-kita ko sa mukha nito ang magkahalong sakit at poot. "Incubus..." nanggigigil na saad ni Kiel bago mabilis na ibinuka ang kanyang pakpak. Mula sa kanyang kanang kamay ay namuo ang isang gintong sandata. Kasunod no'n ang paglabas ng mga hibla ng kidlat mula sa kanyang katawan. "Hindi ka pa rin nadadala!" dagdag nito bago mabilis na sumugod sa akin. Akmang haharangan ko na sana siya nang bigla akong itulak ni Kiel palayo sa kanya, at siya ang sumalo sa atake ni Lyo. "KIEL!" sigaw ko at akmang lalapitan na sana silang dalawa nang bigla akong mapatigil dahil sa itim na usok na unti-unting nilalabanan ang kidlat ni Lyo. "Kailanman ay hinding-hindi ako madadala. Hinding-hindi ako titigil na mahalin si Helleia!" sagot ni Kiel bag

