Kaagad kong binalot ng puting tela ang aking kaliwang kamay. Hindi dapat nila iyon makita. Hindi maaari. Hindi pwede! Nagdadalawang-isip ako kung bababa ba at sasabay sa kanilang kumain o mananatili na lang ako sa aking silid. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Namamawis na rin ako ng malamig. "Hannah?" tawag ni Jenny sa akin matapos niyang kumatok nang tatlong beses. Hindi ako sumagot. "Hannah, may problema ba? Bumaba ka na raw para sabay-sabay tayong kumain lahat," dagdag nito. Naipikit ko ang aking mga mga para pakalmahin ang aking kumakabog na puso. Huminga ako nang malalim nang sa gano'n ay mawaglit sa aking isipan ang takot ang pangamba. Tinalian ko rin ng puting tela ang kanan kong kamay para hindi magtaka ang ilan kung makita man nila ang aking mga kamay. Para na rin isipi

