Chapter 15

1104 Words

Isang napaka-aliwalas na umaga ang bumungad sa akin nang sa sandaling iminulat ko ang aking mga mata. Buo na ang desisyon ko. Ilang araw mula ngayon ay sasabihin ko na kay Diyosa Cashmir ang namamagitan sa amin ni Kiel. Sasabihin ko na sa kaniya na hayaan na lang kaming mamuhay ng payapa at masaya. Hihilingin ko rin sa Maylikha ng Lahat na sana ay gabayan niya kami ni Kiel. Nakarinig ako ng pagaspas mula sa aking pinto kung kaya't mabilis akong bumangon para tingnan kung sino iyon. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Lyo na may dalang isang koronang bulaklak na nakaugalian na niyang gawin. "Magandang umaga, Helleia," nakangiting bati nito sa akin bago ako nilapitan at isinuot sa akin ang koronang bulaklak. "Magandang umaga rin, Lyo," nakangiting bati ko sa kaniya bago inayos ang ibini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD