Hinalikan ko ang labi ni Kiel habang ang aking kamay ay masuyong naglalakbay sa kaniyang buong katawan. Bawat detalye ng kaniyang tiyan ay aking hinahagod dahilan para mapahawak siya sa aking balikat. Hindi na siya nakatiis pa at bigla siyang bumangon kasabay ng kaniyang pagkarga sa akin at pagdala sa akin sa gilid ng talon. Kakaibang lamig ang bumalot sa akin nang hinubad niya ang aking puting bestida. Ngunit kaagad iyong napawi ng init na nagmumula sa aking katawan-init na ang mga halik at haplos ni Kiel ang dahilan. Siniil niya ako ng halik hanggang sa maramdaman ko ang nagpupumilit na pumasok niyang dila. Ibinuka ko ang aking bibig at sinalubong ito. Lumalim pa nang husto ang aming halikan nang ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at hinila siya palapit sa akin. Ramda

