Bumangon ako at sinupil ang mga luha sa aking pisngi. Dinampot ko ang mga nagkalat kong damit na ngayon ay sira-sira na maging ang aking mga underwear. Inilagay ko ang mga ito sa basurahan at muling kumuha ng bago. Matapos kong magbihis ay tinungo ko ang pinto ng silid ng aming anak. Inaasahan ko nang hindi ako makakapasok dito dahil siguradong ikakandado ito ni Charlie ngunit hindi. Nabuksan ko ito at nabungaran ko silang nakahiga sa kama. Napansin kong may tangay nang bote ng dede ang aking anak habang natutulog samantalang sa kanya tabi ay si Charlie na nasa mahimbing na ring pagtulog at tanging boxer lang ang kanyang suot. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sila ay pagmasdan. Kay gandang tanawin na hindi ko kakayaning mawala sa aking paningin. Kaya hindi ko magagawa ang gusto mo