WARNING SPG* READ AT YOUR OWN RISK. "Ch-charlie, nasasaktan ako. Ah!" daing ko nang halos mapisa ang aking braso dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak habang kinakaladkad niya ako papasok ng aming silid. "Dada! Dada!" naririnig ko ang pagsigaw ng aming anak na karga niya. "This is what you want, isn't it?" mariin niyang sabi. "Charlie!" Bigla niya akong inihagis sa ibabaw ng kama. Mabilis siyang nagtungo sa silid ng aming anak habang bitbit si Charles. Segundo lang ay kaagad din siyang bumalik nang nag-iisa na lamang. Mabilis niyang ring isinara ang pinto ng silid ng aming anak. "Ch-charlie, 'y-yong anak natin. Baka kung mapaano 'yon," nag-aalala kong sabi sa kanya dahil naiwang mag-isa sa silid nito ang aming anak. Nag-aalala akong baka inihiga niya lang ito sa kama at maaaring mala