Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang aking dibdib habang nilalapitan ko ang tumutunog na cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesita. At hindi nga ako nagkamali, pangalan ni Charlie ang nasa screen at kasalukuyan itong tumatawag. Dinampot ito nang nanginginig kong mga kamay. Bumaling muna ako kay Claude na kasalukuyang karga ang aking anak. Tumango naman siya sa akin bago ko sinagot ang tawag. "H-helow?" hindi ko napigilang mautal at inihanda ko na ang aking tainga dahil siguradong sisigawan na naman niya ako sa matagal kong pagsagot sa kanyang tawag. Ngunit lumipas na ang ilang sandali ay wala akong narinig kundi malalalim niyang paghinga mula sa kabilang linya na ipinagtakhan ko ngunit mas ikinakabog ng malakas ng aking dibdib. Muli akong tumunghay kay Claude pero wala akon