CHAPTER 32 HIDING

1263 Words

Bigla kong naidilat ang aking mga mata nang maramdaman kong bumukas ang pinto ng silid. Nakatalikod ako sa kinaroroonan ng pinto at nakaharap naman sa aking anak na mahimbing ng natutulog. Hindi ako kumilos, ni hindi ako lumingon dahil alam ko naman na si Charlie na 'yan. Muli ko na lang ipinikit ang aking mga mata at hinayaan siya. May narinig akong bagay na para bang ipinatong niya sa mesa at parang tunog ng isang supot. Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakalalanghap ako ng amoy alak. Siguro ay nag-inom siya sa baba kasama ng mga pinsan niya at mga kaibigan niya dahil sa tingin ko ay maghahating-gabi na ngayon. Kumakalam na rin ang sikmura ko at tinitiis ko lang ang gutom ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng sunod-sunod na buntong-hininga at marahang paglundo ng kama sa aking tabi. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD