Kinabukasan ay maaga akong nagising. Halos hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Charlie mula sa likuran. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking batok. Pumikit ako ng mariin upang pigilan ang kiliti na aking nararamdaman. Mahimbing pa ring natutulog ang aming anak. Kaninang madaling araw ay nagising siya at naghanap ng dede. Pagkatapos ay muli na ulit siyang nakatulog. Hinawakan ko ang kamay ni Charlie upang sanay ay alisin ngunit umakyat lang ito sa aking dibdib at doon naman humawak. Marahan niya itong pinisil-pisil. Ilang sandali lang ay huminto rin at muli kong naramdaman ang paglalim ng kanyang paghinga. Paano ba ako makakabangon nito? Haayst. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong saplot na kahit ano sa katawan at alam kong siya rin