CHAPTER 10 BUMABA na lamang ako at iniwan iyong cellphone ko doon sa higaan ko matapos matanggap iyong message. Baka mga kaibigan ko lang 'yun dati na pina-prank ako. Asus. Ang dami kong mga kaklaseng ganun dati. Mga kalokohan sa buhay. Dinadamay pa ako. "Oy Ate Flaire! Bakit ang ganda ko ngayong araw?" Bungad na tanong ni Gina ng makita niya akong pababa sa hagdan. Nasa sala siya at nanonood ng Sofia The First. "Hindi ko alam kasi parang hindi naman." Malungkot na sabi ko at umirap. Nagtungo ako sa mineral water at kumaha ng baso para uminom ng tubig. Wala naman kaming ref dito sa bahay kaya tiis-tiis lang. "Ang harsh mo ate! Hindi na kita lab!" Sigaw nito. "Bakit? Lab ba kita?" Ganting sabi ko. "Leche! Ayoko na!" Naiinis na sabi nito. Natawa naman ako at lumapit sa kaniya. "Ar