Chapter 9

558 Words
Chapter 9 Day Off ko ngayon kaya nasa bahay lamang ako. Wala naman akong ibang balak na puntahan o galaan. Besides, nag-iipon ako ng pera. Sasahod na ako bukas para sa pang-isang linggong pagpasok ko sa opisina. Dahil secretary ako, malaki-laki ang kuhang sahod na matatanggap ko. Pinagplanuhin ko din na gumawa ng ATM Accounts para makapag-ipon. Nakatulog na ako't lahat ngunit sariwa padin sa aking isipan iyong mga nangyare kahapon. Umamin siya sa akin at sinabi niyang nagseselos siya. Dabat ba akong maniwala? Habang sinasabi niya ang mga katagang 'yun kahapon, lumambot ang ekspresyon niya. Ramdam kong sincere siya sa kaniyang sinabi. Flaire, huwag ka agad pakasiguro. Huwag kang tanga. Ang mga lalaking kagaya niya ay malandi at hindi mapagkakatiwalaan! Baka nga ganoon din siya sa lahat ng mga babae niya. See? May dinala siyang babae noong nakaraan at ang malala pa, they had s*x. I admit, nagkakagusto na ako kay Sir Dashnel. This is all new for me. Lahat ng nararamdaman ko patungo sa kaniya ay kakaiba at ngayon ko lang naramdaman. Hindi ako sigurado pero alam kong may iba. Alam kong kahit sandali pa lang akong nagtratrabaho sa kaniya, may naramdaman na ako. Gusto kong pigilan ang sarili ko. Gusto kong sabihin sa puso ko na huwag na itong tumibok ng mabilis kapag nandiyan siya pero, ayaw nitong makinig. Gusto kong pigilan ang sarili ko na mahulog. "Flaire! Hindi ka pa ba diyan bababa? Anong oras na!" Sigaw ni Tita sa labas ng kwarto ko. "Wala po akong pasok!" Sigaw ko pabalik. Nagpagulong gulong ako sa kama ko at ewan ko ba pero bigla akong napangiti. Bakit ganito?! Bakit ako nakakaramdam ng saya dahil sa mga sinabi niya? Pumikit ako at kinagat iyong labi ko. Huwag kang malantod, Flaire! Pinapaasa ka lang ng lalaki na iyon. At nakalimutan mo na ba? Dapat galit ka sa kaniya ngayon dahil sa ginawa niya kahapon sa babae niya! Huwag kang maging marupok. Napasimangot na naman ako. Para na talaga akong baliw. Maski sarili ko, kinakausap ko. Ano ng gagawin ko ngayon? Nakakatamad. Wala naman akong ibang gagawin dito sa bahay. Ngumuso ako at gumulong ulit sa higaan ko. Kinuha ko iyong cellphone ko sa gilid ng lamesa at binuksan iyon. Ang tagal na nitong cellphone ko na ito. Hindi din naman kasi ako madalas gumamit ng cellphone. Pagbukas ko, pinindot ko iyong f*******: App. Buti na lang may free data dito sa Pilipinas. Aba, kung wala, mas lalo na akong mabubulok ngayon dito sa bahay. Grabe naman, ang daming notifications. Ilang araw ba akong hindi nakapagbukas ng f*******:? Daming messages at friend requests na hindi galing sa mga taong hindi ko naman kakilala. Tamang scroll lang at tingin tingin sa newsfeed ang ginawa ko hanggang sa tinamad na ako. Isasarado ko na sana iyong cellphone ko ng biglang may nag pop up na message sa itaas. Sino ito? Dragon: Beware. The dragon is watching you. Umawang iyong labi ko at nangunot iyong noo ko. Dragon? Binuksan ko iyong name niya at chineck iyong account. Wala namang laman. Wala siyang profile picture at wala siyang kahit anong photos. Ako nga lang iyong friend niya! Paano ko ba naging friend ito? Agad kong pinindot iyong unfriend. Pagkuwan ay pinatay iyong cellphone ko at inilagay ito sa lamesa. Ewan ko pero biglang tumibok ng mabilis iyong puso ko. Sino ba 'yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD