Chapter 8
Malamig ang boses at bakas ang galit at riin sa boses niya. Bigla na naman akong kinabahan.
"Nasa canteen po, Sir." Mariin ko ding banggit.
"And what the hell are you doing in that f*****g canteen?" Galit padin ang tono nito.
"Kumakain po." I said, as a matter of fact.
Rinig ko ang sunod sunod na mura niya bago muling nagsalita. "I'll go there." Saad niya at nawala na ang linya.
Kinabahan naman ako at lumingon kaagad kay Jake. "Jake! Pupunta daw dito si Sir! Kailangan mong umalis!" Naghahadaling sabi ko at hinawakan siya sa kamay.
"Ha? Ano namang gagawin niya dito?" Sabi nito at tumayo.
"Ewan ko dun! Nagagalit na naman siya! Naiinis ako sa kaniya!" Ewan ko pero bigla kong nalabas iyong galit ko.
"What?" Naguguluhan namang tanong ni Jake. Hala. Bakit parang iba iyong dating ng pagkakasabi ko? Boba ko naman.
"W-wala! Basta tara na, umalis ka na at baga magalit pa sa'yo 'yun." Nag-aalalang sabi ko at hinatak na siya sa braso.
Isang malakas na pagkabasag ng kung anong bagay ang umalingawngaw sa canteen. Dahil sound proof din sa labas ng canteen, mas lumakas ang impact nito at nakakagulat.
Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang dalawang tuhod ko ng makita si Sir na naglalakad patungo sa pwesto namin ni Jake ngayon.
Kitang kita sa bawat hakbang niya ang galit. Kitang kita din sa kaniyang mukha ang masamang aura nito. Para siyang mangangain ng buhay! Shet. What have you done, Flaire?
"Stay away from her or I will shoot you." Malamig na saad ni Sir ng makarating siya sa pwesto namin.
No one dare to interfere. Tahimik lamang ang mga tao at walang nagbubulongan. Parang inaabangan lang nila iyong susunod na gagawin ni Sir at iyon ang mas kinakatakot ko!
"Sorry po Sir pero bakit ko naman po gagawin 'yun?" Tanong ni Jake at bakas ko na din sa boses niya ng takot.
Napahigpit ang hawak ko sa braso niya ng tignan ako ni Sir gamit ang malamig na mga titig.
Nasaan na iyong babae niya kanina? Bakit hindi niya kasama? Nagsawa na siya?
"Damn. You're testing my patience." Galit na saad nito. "You," He added sabay turo sa akin. "Come with me. Now!" Full of autorithy na utos nito.
Naramdaman ko na lamang ang mga paa ko na sumunod sa kaniya at hindi na nakapagpaalam pa kay Jake.
I'm really scared. Really.
***
"At bakit magkausap kayo nung walanghiyang lalaki na 'yun kanina? Damn!" Galit na galit na sigaw ni Sir ng makapasok kami sa office.
Seryoso. Para siyang bulkan na gustong gustong pumutok. Nag-aalburuto siya! Ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat bigkas niya ng salita. Kitang kita ko din ang mabilis na pagtaas baba ng kaniyang dibdib tanda na galit talaga siya.
"Nagkita lang po kami Sir." Hindi ko alam kung paano pa ako nakakatayo ng maayos ngayon sa harapan niya gayong takot na takot na ako.
"Nagkita?! f**k that excuse! Kaya pala magkahawak kamay ha?" His jaw clenched.
Hinatak niya ako at idiniin sa wall ng office. Napapikit ako ng mariin. Bakit niya ba ito ginagawa? Bakit siya nagagalit?
I don't want to assume but...is he jealous? Nagseselos ba siya kaya siya ganito ngayon?
No, Flaire! Hindi siya nagseselos! Hindi siya magdadala ng ibang babae dito kung may gusto siya sa'yo! At tiyaka, boss mo lang siya! Nothing more, nothing less.
I remained silent. Hindi ako nagsalita. Para siyang mamamatay ng tao. Nakakatakot.
"Humanda talaga siya sa'kin." Mariing bulong niya.
Dahil doon ay napamulat ako na naging sanhi para matitigan ko siya sa mga mata. Ang mga mata niyang nag-aalab sa galit.
"Sir..ano pong ibig niyong sabihin? Please po, wala pong kasalanan si Jake." Halos magmakaawang sabi ko.
"And you even calling each other by the first name ha? Great." Sarkastikong sabi nito at hindi pinansin iyong sinabi ko.
"Please po, Sir." Pagmamakaawa ko ulit. Parang seryoso kasi siya sa mga sinasabi niya ngayon. At alam kong mabait na tao si Jake at hindi ata makakaya ng konsensiya ko kapag may nangyareng masama sa kaniya.
"s**t. You're teasing me!" Ramdam ko ang hirap sa tono niya ng banggitin niya iyon.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "N-nagseselos po ba kayo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong na lumabas sa aking bibig.
Tinanong ko lang ba na...nagseselos ba siya?!
Bigla siyang napahinto. A smile curved from his face but the anger still visible.
"Yeah. f*****g jealous. Makakapatay ako ng dahil sa'yo, Cashedy. Dapat ako lang."