Chapter 43 Nagmulat ako ng aking paningin at bumungad sa akin ang puting paligid. Where am I? Saan ba ako napunta? Nakahiga ako sa puting kama at kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako. What happened? Paano ako napunta dito? Naaksidente ba ako? Ang daming tanong na pumasok sa aking isipan pero nawala ang lahat ng iyon at nadagdagan ng bagong tanong ng maalala ko kung bakit ako naririto ako. Tinangka akong gahasain ni Sir Yohann at sa di malamang dahilan ay nakaligtas ako. Panaginip lang ba 'yun o totoo? Alam kong narinig ko 'yung boses niya habang humihingi ako ng tulong! Is it true or I am just hallucinating? Ang lakas ng kabog ng puso ko. Kinabahan kaagad ako sa kaisipan na nandito nga siya at nakita na niya ako. I closed my eyes and when I opened it, napaawang ang bibig k