Chapter 42 Flaire's Point of View Pagkahatid ko kay Dexter sa pinapasukan niyang school, nagpunta kaagad ako sa convinience store na pinapasukan ko. Pagpasok ko doon ay may nakita akong tatlong customer na mukhang naga-almusal. Dumeretso kaagad ako sa counter. Nakita ko si Sheica na tila tulala at parang may malalim na iniisip. Problema nitong babae na 'to? Mamaya manakawan pa kami, eh. "Sorry, medyo natagalan ako." Sabi ko kay Sheica. Hindi naman siya sumagot kaya hinampas ko na. Pagkakita niya sa akin ay nanlaki ang kaniyang mata at tumili-tili. Tinakpan ko kaagad 'yung bibig niya dahil masyadong maingay at napatingin din sa amin 'yung mga customer. Tinanggal ko lang 'yung kamay ko sa bibig niya nung makita kong mukhang okay na siya. "Omg. Omg. Omg talaga." Paulit-ulit niy