Chapter 40 "Nagawa mo na ba ang lahat ng assignments mo, 'nak?" Tanong ko kay Dexter habang inaayos ang kaniyang baon para sa eskwela. Balik aral na naman siya dahil wala na siyang sakit at baka bumaba pa ang kaniyang grades kapag umabsent pa siya ng matagal. "Opo naman po! Para parehas kami ni Claire na may sagot." Tila kinikilig na pahayag anak ko. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata at inilagay na sa kaniyang bag ang kaniyang baon. "Sino na naman bang Claire? Crush mo? Sabi ko sa'yo ha, huwag ka muna mangchi-chiks kahit na sobrang gwapo mo pa! Naku ha, pag-aaral muna, anak. Tiyaka na iyang mga ganyan." Pangangaral ko. Palagi niya kasing kinekwento sa akin 'yung kaklase niyang babae na nagngangalang Claire. Tingin ko ay may gusto siya doon. Sumimangot naman siya dahil sa sina