NIKKI
Maaga pa lang kinabukasan ay ginising na ako ni Milo. Nasa baba daw si Faye, isasabay na daw kasi namin pagpasok. Absent daw kasi yung driver nila.
Inis na tumingin ako sa orasan. Anak ng! 5am pa lang o! Anong oras ba nila sa school? Hello, I’m so sleepy pa! Kung hindi ko lang talaga mahal ‘tongsi Milo, natarayan ko na ‘tong bestfriend n’ya eh.
Dali-dalia kong bumangon, naligo at nagbihis. Nakakahiya naman kasi sa mga naghihintay sa akin diba?
Nakabusango takong bumaba ng hagdanan. Nakita kong masayang nagkukwentuhan yung dalawa. Lumapit agad sa’kin si Milo.
"Ate,kailangan nakasimangot? Umagang-umaga?" masiglang bati n’ya sa akin.
Aba at may gana pa syang ngumiti ha.
"Angsarap-sarap kasi ng tulog ko tapos bigla mo kong gigisingin! Ang aga pa o! Tsss!" nakasimangot pa din ako.
"Sus,naglalambing lang naman ako sayo Ate, good morning, I love you." sabay kiss sa pisngi ko.
Napasmile naman ako ng wala sa oras.
"Naku, pasalamat ka talaga mahal kita!" kiniss ko din sya sa pisngi.
Biglang may nagsalita sa likod ko kaya bigla akong napalingon dito.
"Goodmorning Nikki" ay nandito nga pala si Faye. Hindi naman kasi si ate nagsasalita. May sa pipi nga ata talaga to.
"Goodmorning din" sabay smile ko sa kanya.
***
FAYE
Okay, ayun na naman yung smile na yun. Bakit ba medyo bothered ako kapag ngumingiti na s’ya ng ganon?
Maaga pa lang ay pumunta na ko dito, nagpumilit kasi si Milong na sumabay na ko sa kanila ng Ate n’ya. Nahiya tuloy ako nung nakasimangot na bumaba si Nikki, para kasing ako yung may kasalanan kung bakit kailangan nilang gumising ng maaga eh.
Pero nakita ko kung papa’no nagbago yung expression ng face nya nung bigla syang lambingin ni Milong. Ang sweet lang talaga nilang magkapatid. How I wish na ako na lang yung nakapagpasmile sa kanya kanina.
Anong sabi mo te? Bakit ikaw? Ikaw ba yung kapatid? O baka naman bet mo na ‘yang siNikki at lesbyana ka na?
What? Hindi ba pwedeng dahil kaibigan lang ako? I am so straight and si Milo yung gusto ko no!
Weh? Parang kay Nikki ka lang nakatingin kanina eh.
Whatever! Gusto ko lang s’yang maging kaibigan kasi gusto kong walang maging hadlang sa’ming dalawa nung kapatid nya! Duh!
Ah so kaya s”ya lang yung pinagbake mo ng cookies?
Pa-thank you ko lang yun sa mga damit na binigay nya kagabi.
OHHHHKAY
"Ahm Best, inaatake ka na naman ba ng pagkabipolar mo?" tanong ni Milo sabaytawa.
Napatingin naman agad ako kay Nikki. Nakita kong natatawa sya dahil nakikipag-away na naman ako sa isip ko.
Ugh!This is so embarrassing.
"Faye, magsabi ka nga sa amin ng totoo, ininom mo ba yung gamot mo bago ka pumunta dito?" natatawang tanong din ni Nikki.
Ay wow, magkapatid nga sila. Pagtawanan ba naman ako hanggang makarating kami sa school!
"So hiwalay muna ako sa inyo, ladies ha" paalam ni Milo.
Sabay naman kaming tumango ni Nikki.
Tiningnan ko muna kung medyo malayo na si Milo bago ko ilabas sa bag yung ibibigay ko kay Nikki.
"Uhm Nikki, may ibibigay nga pala ko sa'yo. Pa-thank you ko dun sa mga damit na binigay mo" sabay abot nung cookies.
Nakita ‘kong medyo nagulat sya pero nagsmile din agad.
"Aww,sweet. Hindi ko naman kailangan ng kapalit eh, pero thanks anyways” ngumiti muna s’ya at pagkatapos ay naging seryoso yung itsura n’ya. “Isa lang naman yung gusto kong gawin mo para sa’kin. Wag mong iiwan yung kapatid ko" seryosong sabi n’ya.
"Oo naman! Bestfriend ko kaya yun!" nakangiting sagot ko sa kanya.
Tumango naman s’ya at ngumiti na rin.
Hay ,why do I feel strange, everytime na kasama ko si Nikki? Pero nah, siguro masaya lang ako dahil friends na kami. Yun lang yun Faye. Yun lang.
Papasok na dapat kami sa classroom nang biglang may lumapit sa amin. In fairness gwapo si Kuya ha. At ang bongga ng dalang flowers. Nakangiti itong lumapit kay Nikki.
"Hi Babe! Good morning." sabay halik kay Nikki.
Oh,s o eto yung boyfriend n’ya. Well, bagay sila. Mukha namang matino.
"Good morning Babe! Sorry kahapon ha, may importante lang talaga kong ginawa." narinig kong sabi ni Nikki.
"It's okay, Babe! Sige dumaan lang ako para mag-good morning sa’yo and ibigay tong flowers. I love you." ew, corny.
"Ang sweet lang talaga ng boyfriend ko. Thank you and I love you too" isa pang corny.
Eh di sila na yung sweet. Ako na yung walang boyfriend, ako na yung bitter!
TSE!