Chapter 3

707 Words
FAYE Nandito kami ngayon sa mall nila Nikki. Wow lang. Ang laki-laki talaga and ang daming customers ha. Nakwento sa'kin noon ni Milong na si Nikki na daw yung nagmamanage ng lahat ng business nila simula nung namatay yung parents nila, kaya hindi na din ako nagtataka kung bakit sobrang seryoso lagi nyang si Nikki. Ikaw ba naman ang bata-bata mo pa tapos andami mo na kaagad responsibilidad. Hahanga ka talaga sa kanya. O wala naman masamang humanga diba? Babae din yan hoy! At kapatid pa ng bestfriend mo! So ?Hindi ko naman sinabing mas gusto ko s’ya kay Milong diba? Sus kunwari ka pa. Eh hindi ka nga makatingin ng deretso sa kanya. What?! "Ehmmm" natigil ang pakikipagtalo ko sa isip ko ng biglang may tumikhim. Nahihiyang tumingin ako sa kanya. "Ay sorry Nikki, may iniisip lang ako" hinging paumanhin ko. Bigla naman s’yang natawa. "Ba't feeling ko may kaaway ka kanina? Nagkakahandahaba yang nguso mo habang nagdedaydream eh. Hahaha. " tawa pa n’ya at nakitawa din si Jenny. AWKWARD! At bakit ako nagbablush? Napayukona lang ako. "Awww cute. Bessy, she's blushing o!" narinig kong sabi ni Jenny. Nagsmile lang si Nikki. Pagpasok pa lang namin ay binati na s’ya ng mga empleyado sa mall. "Ganda talaga ni Ma'am Nikki no? Swerte talaga ng boyfriend nya" narinig kong bulong nung isang babae sa katabi. BF?Nagkibit-balikat na lang ako. As if I care. Duh. Nagsimula na kaming pumasok sa bawat store na madaanan namin. Andami namang biniling damit nitong si Nikki, pansin ko lang ha, halos lahat ata ngdaanan namin na boutique eh may binibili sya. O eh di sila na yung may-ari nitong mall. Pagkatapos namin mamili ay umuwi na din kami, medyo gabi na kasi eh. Nauna ng inihatid ni Nikki si Jenny, kaya eto kami ngayon naiwan sa kotse nya. OMG! Bat ba wala akong masabi! Tahimik pa rin kami hanggang makarating kami sa subdivision namin. Pababa na ko ng kotse ng bigla n’ya kong hinabol. "Faye!" tawag n’ya sa akin. Paglingon ko ay nakatodo na naman yung smile n’ya. Crap! That smile, why do I always feel something strange kapag ngumingiti s’ya sakin. Paglapit n’ya ay iniabot n’ya sakin yung mga pinamili namin kanina. "Para sayo lahat to." sabi nya sabay beso sa'kin. Shit lang! Parang nanigas ako don! Beso lang yun Faye! Ganon sya sa lahat ng friends n'ya. And diba sabi nya friend ka na nya? Matagal nang nakapasok si Nikki pero andito pa rin ako sa may labas. Gosh,what the hell is happening to me?! *** NIKKI "Good evening baby bro." masiglang bati ko kay Milo na nanonood ng tv sa salas. "Ate!" sabay yakap n’ya sa akin. "Aww ang sweet talaga ng baby ko. Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Tumango naman s’ya. "Ikaw?" "Yes, sa mall kanina kasama ko si Jenny and si Faye." Nakita kong nagninging ang mata ni Milo sa narinig. "Thank you Ate! The best ka talaga. Best Ate in the world." at hinalikan n’ya ako nang hinalikan sa pisngi. "Ewww bro. Pwede ba? Si Faye kaya yung i-kiss mo! Tsss" reklamo ko sa kanya. "Saka na yun Ate, pag kami na." masayang sabi naman n’ya. "BTW, ok lang naman sa'yo kung medyo i-make over ko yung nerdy girlfriend mo diba?" tanong ko pa sa kanya. Saglit naman s’yang nag-isip pero tumango din naman bandang huli. "Ikaw na bahala, Ate." sabi na lang n’ya. "S'yempre naman no, kung makikipagkaibigan sya sa’min, kailangan, cool din s’ya, hindi yung nerdy look. You know what I mean." natigilan ako dahil sumama yung tingin sa''kin ni Milo. "Maganda naman sya kahit ganun sya, Ate." sabi pa n’ya. "I know baby kaya ko nga gagawin to para mas lumabas pa yung totoong ganda n’ya" sabay kindat ko pa para mas maniwala. Nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti s’ya sa akin. "Likana na, Baby, matulog na tayo at baka ma-late pa tayo bukas. Goodnight. I love you." paalam ko sabay pasok sa kwarto. Hay, what a long day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD