NIKKI Pagmulat ko ng mata. Inilinga ko muna yung mga mata ko sa office. Parang wala na namang tao. Baka nga panaginip lang yung kanina. Tsss. Kala ko totoo na. Hay nako Nikki tigilan mo na kasi yang pag-iisip kay Faye. "So ok ka na?" narinig kong sabi ng isang tinig sa likod ko. Bigla na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Lumunok muna ako bago ko lingunin yung nagsalita. As usual, naka-pokerface na naman ito habang nakatingin sakin. "H-hone, ahm I mean Faye?" bakit ba ko nabubulol. Nakita kong napangiti sya pero nawala din agad. "God Nikki! Pinakaba mo ko! Bat bigla kang hinimatay?" nag-aalalang sabi nito. "H-hindi kase ko nakapagbreakfast" pagsisinungaling ko dito. Noon ko lang nakita na may dala itong brown na paper bag. "O eto, kainin mo muna" sabay abot sakin. "Salamat"