NIKKI "Sure ka ba talaga bro na gusto mong umattend? Pwede namang hindi na, masasaktan ka lang don" pati ako masasaktan din. Papunta kami sa bahay nila Faye para sa welcome party. "Ok lang ate, gusto ko talagang pumunta. Gusto kong malaman kung sino na yung bagong mahal ni Faye" pero ako Milo, ayoko. Masakit. "Sige pero pag di mo na kaya sabihin mo sakin ha. Iuuwi na agad kita." Tumango naman ito. Narinig namin yung busina ni Nico kaya niyaya ko na sa labas si Milo. Pagpasok pa lang namin ay nakita na namin sila Jenny, Mei, and Ali. "Bessy! I missed you so much" bati ni Jenny. "Namiss din kita bessy" sabay yakap ko dito. Masaya din akong binati at niyakap nila Mei and Ali. Matagal-tagal na din kasi nung huli kaming nagkita. Busy na kami sa kanya-kanyang business. Umupo kami sa tabl