Uminom ako sa hawak kong bottled water habang nakatanaw sa mga bus na isa-isang pumaparada sa bus terminal na kinaroroonan ko. Narito ako sa Bus Terminal ng Dau at balak kong bumiyahe patungong Manila. Kararating ko lang rito kanina at nagpapasalamat ako at hindi pa rin ako nasusundan ng aking ama. Naglayas ako kahapon pa, kahit masakit ito sa aking kalooban. Hindi ko na kasi matiis ang galit ni Papa araw-araw at ang ilang ulit na pamimilit niya sa akin na pumayag sa kanyang gusto. Hindi ito kaya ng konsensya ko kaya naisipan kong layasan siya. Tinakpan ko ang hawak kong bottled water at pagkatapos ay nilagay ito sa bulsa ng dala kong backpack. I need it later because I know mauuhaw na naman ako dahil sa sobrang init ng panahon. "Ang init!" naibulalas ko habang pinapaypayan ko ang aking