Wala ako sa aking sarili nang magbiyahe agad ako pauwi ng La Union nang araw na malaman ko na nawawala si Nayeli. Lutang ako at hindi ko alam kung saan ako unang maghahanap sa kanya. Sasabay sana sa akin sina Vincent at Charmel dahil isasabay na lang sana ako sa sasakyan nilang chopper, pero tumanggi ako at nauna na akong lumarga patungong La Union. Sinabi ko na huwag na nila akong isipin at i-enjoy na lang nila ang bakasyon nila rito sa Romblon. Uuwi rin kasi sila ng La Union dahil sasalubungin nila kinabukasan ang Mommy ni Vincent at anak nitong si Hakan sa airport. Magbabakasyon din yata rito ang Mommy niya at saka sila muling babalik ng Turkey. "s**t!" bulalas ko nang makitang tumatawag na naman ang kapatid ko. Patungo akong Manila ngayon dahil naispatan ni Erwin si Nayeli na naroo