Habang kumakain sila ay narinig niya ang busina ng sasakyan mula sa labas. "Nandiyan na ang Tito Duke n'yo!" tumayo ang Lolo niya upang salubungin ang Tito niya. "Misis ko, bakit hindi ka sumalubong sa Tito mo?" takang tanong ni Aidan. "Hindi ko makalimutan ang pang-iinsulto sa iyo ni Tito Duke ko," alibi niya. Hindi naman kasi ito ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang salubungin ang Tito niya. Nakakunot ang noo ni Aidan habang nakatingin sa kanya. "Sigurado ka ba?" "Oo sigurado ako. Bakit mo naman naitanong ang bagay na 'yan?' "Napapansin kong hindi ka naman masaya na dumating na siya sa mansyon. Hindi ba kayo close ng Tito Duke mo?" Tumango siya saka bumuntong-hininga. "Hindi kami close kaya malayo ang loob ko sa kanya." "Bakit?" "Huwag na natin pag-usapan ang bagay na