Nagising siya nang makaramdam siya ng tila magsusuka siya. Kaya bumangon siya para magsuka. Habang nakatingin siya sa harapan ng salamin ay napahawak siya sa kanyang tiyan. Hanggang ngayon kasi ay naglilihi pa rin siya. Kumusta na kaya si Rommel? Mahigit dalawang linggo siya hindi nakalabas ng bahay dahil sa galit ng kanyang Mommy. Nang malaman ng magulang niya na hindi na siya pinalabas ng bahay at kinuha ang lahat ng kanyang cards upang hindi siya makabili ng kung ano-ano. Naligo siya at pagkatapos at lumabas siya ng kuwarto niya para kumain ng almusal. Naabutan niya ang magulang niya sa kusina at kumakain ng almusal kaya sumabay na siya sa mga ito. Hindi sila umimik nang makita siya ng mga ito. "Maybe you've learned from your mistake." Panimula ng Daddy niya She nodded in respons