Dalawang araw ng lumipas mula ng bumalik siya Manila at sa loob ng dalawang araw na iyon hindi na tumigil si Aidan na hindi suyuin si Devon. Ngunit dahil sobrang galit ni Devon kay Aidan. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na magkausap sila tungkol sa kanilang relasyon. "Umalis na si Aidan kaya lumabas na kayo diyan." Malungkot ang mukha ni Tim nang pumasok ito sa kanyang silid. Buong maghapon silang nakakulong sa silid niya dahil ayaw niyang lumabas kapag nasa bahay si Devon. Napipilitan ang Lolo niyang papasukin si Aidan. Dahil hindi ito umaalis sa harap ng gate. Hindi siya sumagot bagkus ay kinuha niya ang anak niya at kinarga saka lumabas sila ng kuwarto. Paglabas niya ay nagulat siya nang makita niyang punong-puno ng mga petals sa sahig. Sa hagdan naman ay may mga bulaklak na na