Marahan sinisimsim ni Nikkie ang kanyang orange juice habang abala ang siya sa pagtipa sa kanyang cellphone. Nasa loob siya ng isang coffee shop. Ilang saglit pa ay bumukas ang entrance door ng coffee shop at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nang matanaw ito ni Nikkie ay ngumiti ito. "Rommel!" tawag niya rito. Agad naman lumingon sa kinaroroonan niya ang lalaki at nakangiti ito nang lumapit sa kanya. "Sweetheart!" Sabay halik nito sa kanya. Sabay silang umupo pagkatapos ay lumapit sa kanila ang crew para ibigay ang in-order niya. Nagpa-reserve kasi siya ng pagkain kanina upang hindi sila maghintay ng order nila. "Sweetheart, bakit mo ako pinapunta rito?" tanong ni Romel. Si Rommel ang lalaking nobyo ni Nikkie na hindi gusto ng kanyang magulang. Isa lang kasi itong empleyado nil