Isang buwan na ang nakalipas mula nang ipakulong nila ang kinalakihan magulang ni Nikkie. Inurong nila nag demanda sa Mommy ni Aidan dahil walan naman itong alam sa plano ng mag-asawang Tan, gayon din kay Nikkie kapalit nito ay ang pagtitistigo ni Nikkie at Rommel laban sa pamilya na kinagisnan ni Nikkie. Nagsimula naman si Nikkie at Rommel ng bagong buhay nagpakasal silang dalawa bilang paghahanda sa kanilang magiging anak. Ang Mommy naman ni Aidan ay tinanggap na si Devon bilang manugang niya. "Oh, bakit bigla kang napadalaw?" tanong ni Luis nang buksan nito ang pinto ng condo unit niya. Alas-otso pa lang ng umaga at papungas-pungas pa ito ng mata. "I need your help." Bahagyang umangat ang kanang kilay ni Luis. "Talaga? Need mo ng help ko?" Hindi makapaniwala na sabi ni Luis. Sa