"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Aidan sa kanya. Binabagtas nila ang daan pauwi sa kanilang bahay. Pagkatapos nilang pumunta sa presinto ay umalis na sila. Nakita niya ang walang tigil na luha ng Mommy ni Aidan nang makulong ito. "Nakita mo ba ang itsura ni Nikkie? She look happy, ngayon lang ako nakakita ng ikukulong na kampante, samantalang ang Mommy mo ay halos lumupasay na sa kalsada." "Huwag mo na siyang intindihin ang mahalaga ay walang manggugulo sa relasyon natin dalawa." Niyakap siya ni Aidan at hinalikan sa labi. Pilit niyang itinatago ang pagtataka kay Nikkie. Imbes kasi magalit ito sa kanya ay nagpasalamat pa siya. Hindi tuloy niya maiwasan na magtaka sa naging reaksyon ni Nikkie sa kanya. "Sir, nandito na po tayo," wika ng driver nila. Kinusot-kusot niya ang kanyang m