"Nikkie! Nikkie! Please, kausapin mo ako!" sigaw ni Rommel sa labas ng malaking gate ng mansyon ng mga Tan. Nakatanaw si Nikkie mula sa bintana ng kanyang kuwarto habang patuloy ang pagpatak ng luha kanyang mga mata. Gusto niyang puntahan si Rommel ngunit siguradong nakabantay ang magulang niya sa sala. Tutol kasi si Rommel sa plano ng magulang niyang 'wag na ipaako kay Aidan ang magiging anak nilang dalawa. Ang gusto kasi ni Rommel ay siya pa rin ang kilalanin ama ng kanyang magiging anak. Ay dahil ayaw pumayag ng magulang niya. Pinagbawalan silang magkitang dalawa. Pinagbantaan siya ng mga magulang niya na ipapatay nila si Rommel kapag sinuway sila. Rommel.. Kuyom ang kamao niya sa inis sa tuwing naririnig niya ang sigaw ni Rommel. Ilang saglit pa ay binitbit na si Rommel ng security