"Mom, where's my girlfriend?" tanong niya sa kanyang Mommy nang magising siya ng tanghali. "Kaalis lang ni Nikkie, bakit mo tinanong kung nasaan siya?" "Ang sabi kasi niya sa akin ay aalis kami ngayon. Tinatawagan ko siya ngunit ayaw niyang sagutin ang tawag ko. Bakas sa mukha ng Mommy niya ang ngiti sa mukha niya dahil sa sinabi niya. Ang alam kasi ng Mommy niya ay wala pa siyang naaalala Hanggang ngayon kaya paniwalang-paniwala sila na si Nikkie pa rin ang gusto niya. Ang hindi niya alam ay halos naalala na niya ang lahat sa kanya lalo na ang tungkol sa kanyang pagkatao. "Intindihin mo na lang ang girlfriend mo. Alam mo naman marami siyang inaasikaso sa kanilang kumpanya kaya intindihin mo na lang siya." Tumango ako. "Mom, gusto ko na po magpakasal kami ni Nikkie." Huminto sa pagk