"Aidan, Mister ko." Isang ngiti ang naging tugon ko nang lumapit sa akin ang isang magandang babae na nakasuot ng trahedeboda. Nang tingnan niya ang kanyang sarili ay nakita niyang nakasuot din siya ng Amerika. Lumapit siya rito upang haplusin at ikulong siya sa kanyang bisig. "Misis ko. " Hinalikan niya ito sa labi. Hinawakan niya ang mukha nito habang nakatitig sila sa isa't-isa. Walang paglagyan ang ligaya niya na parang matagal na niya itong kasama. "Mister ko, masaya akong ikakasal sa iyo. Sa wakas matutupad na rin ang aking pangarap na makasama habang buhay. Ngumiti siya. "Hindi na tayo maghihiwalay. Magsasama na tayo habang buhay." Tumango ang babae "Magsasama tayo ng masaya kasama ng anak natin." "Anak?" Bigla na lang may lumitaw sa harap niya ang isang bata na nasa edad i