C-12: Isang Lihim

1512 Words
Papunta na sana ako sa may hardin nang muling tumawag si Alas. Hinabol ako ni Jenna upang sabihing nasa telepono ang asawa ko. Mabilis naman akong tumalima at tinungo ko ang kinaroroonan ng telepono. "Alas," bigkas ko nang iangat ko na ang telepono. "Ang tagal mong sumagot, where is your damn phone!" Singhal agad ni Alas sa kabilang linya. Bahagyang nailayo ko ang hawak kong telepono sa aking tainga. Medyo natulig ako sa malakas na boses ni Alas at halatang galit ito. "Nasa kwarto ko," walang gana kong sagot. Sino ba naman ang gaganahang mag-selpon kung limitado lang ang dapat mong gawin. Limitado lang ang kailangan mong kalikutin sa selpon mo kaya nawalan na ako ng interes na magka-selpon "Ang dami ko ng messages sa'yo check mo!" Marahas pang utos sa akin ni Alas. "Narito ako sa baba eh!" Tugon ko. "Then go to your room damn it Sum!" Inis nitong tugon. Bumuntonghininga ako pilit kong pinapakalma ang aking sarili. "Magka-usap na tayo puwede mo ng sabihin pupuntahan ko pa ang aking mga tanim sa hardin." Maalumanay kong sabi. "The hell I care sa mga tanim mo! Listen to me, ilagay mo ang iyong mga gamit sa kwarto ko now na huwag mong ipagpabukas." Dakdak pa ni Alas. Napaawang ang aking labi napakurap-kurap pa ako. Hindi kaya namali lang ako ng akong dinig sa sinabi sa akin ni Alas? Baka nagha-hallucination si Alas kaya nasabi niya ang mga bagay na iyon sa akin. "A-Anong sabi mo?" Nautal ko pang tanong gusto kong marinig ulit ang sinabi ni Alas. Gusto kong makasigurado na hindi ako namali ng dinig. Dahil sobra ng kabog ang dibdib ko sa tuwa. "Bingi ka ba? I said, dalhin mo ang mga gamit mo sa kwarto ko ngayon din. Ayokong malaman ni Dad na magkaiba tayo ng tinutulugan," dire-diretsong wika ni Alas sa marahas na tinig. Para namang nalaglag ang aking mga balikat sa sinabi ni Alas o mas tamang nadismaya ako. Pero at the same time ay natutuwa na din dahil magkakaroon na ako nang pagkakataong makasama ulit si Alas sa iisang kwarto. Naipagdasal kong sana ay natagalan sina Don Arthur sa Villa para matagal -tagal din kaming magkasama ni Alas bilang nag asawa talaga sa harapan ng Don. "Sige," nasabi ko na lamang. "Make it quick pauwi na si Dad, make sure wala kang iiwang bakas sa guest room na nanatili ka doon." Malamig pa ring sabi ni Alas. "Okay, ako naman ang babalik diyan mamayang gabi." Tugon ko. "Kahit huwag na narito naman sina utol dinamay mo pa silang lahat. Masyado ka ng nangingialam sa buhay ko Summmer!" Mariing wika ni Alas. Bumuntonghininga ulit ako. "Karapatan nilang malaman kung ano ang kalagayan mo." Narinig kong napamura si Alas. "Ang sabihin mo pabida ka masyado dahil alam mong kakampi mo si Dad!" "Bakit ba parati ka na lang galit kapag kausap mo ako? Kahit may sakit ka na't lahat-lahat hindi mo man lang magawang magsalita nang maalumanay sa akin?" Hindi ko napigilang sabihin kay Alas. Dinig ko ding bumuga ito nang hangin sa kabilang linya. "Ang bilin ko huwag mong kalimutan kumilos ka na!" Bagkus ay sagot ni Alas sa akin pero hindi na masyadong marahas. Kahit papaano ay naibsan ang hinanakit ko kay Alas. Hindi ko na naman namalayang may nalaglag na luha mula sa aking mga mata. Pansin kong nagiging iyakin na ako magmula nang magsama kami ni Alas at dalhin ako dito sa Manila. Gusto ko siyang bantayan ulit mamayang gabi subalit hindi ko na ipipilit pa at nariyan naman ang mga kapatid nito. Nirerespeto ko silang lahat kung kaya't susundin ko ang sinabi ni Alas sa akin ngayon. Wala din akong sinayang na panahon magkatuwang kami ni Jenna na inayos ang kwarto ni Alas. At dahil kaunti lang ang mga gamit ko ay ako na lamang ang naglipat doon sa kwarto ni Alas. Si Jenna naman ang siyang nag-ayos at naglinis na sa iniwan kong guest room. Nang matapos kami ni Jenna ay pinasalamatan ko siya pagkatapos ay itinuloy ko na ang balak kong pagpunta sa may hardin. "Hindi ko sila pinabayaan Senyorita," tinig ni Mang Fabian sa aking likuran ang narinig ko nang masipat ko ang mga tanim kong halamang namumulaklak. Nakangiti akong humarap kay Mang Fabian. "Maraming salamat po," Ngumiti din sa akin si Mang Fabian. "Walang ano man Senyorita. Kumusta na po si Senyorito?" Tanong nito. "Hayun po okay na siya sa awa ng Diyos nagpapagaling na lamang po siya mula sa matagumpay na operasyon." Masaya kong sagot. Nakita ko ang kagalakan sa mukha ni Mang Fabian talagang kita mong nagmamalasakit sila kay Alas. Pati na ang mga guwardiya kanina tinanong din si Alas at mga iba pang katulong dito sa Villa. Masungit man at parang isang yelo kung makaasta si Alas ay mahal pa din siya ng mga taga-Villa. "Mang Fabian may itatanong po sana ako sa inyo," medyo nahihiya kong sabi sa matanda. "Ano 'yon Senyorita?" Tanong naman ni Mang Fabian sa akin. "Dati na po bang masungit si Alas dito sa Villa? I mean, cold blooded ba siya sa pakikitungo niya sa inyo dito?" Tinapangan ko ng itanong. Medyo nawala ang magandang ngiti sa labi ni Mang Fabian. "Sorry Senyorita pero ngayon lang siya ganoon, ayokong magsinungaling sa inyo. Pero madalas siyang wala dito sa Villa dahil busy siya sa negosyo, hindi siya palaimik masyado pero malambing siya kung makiusap sa amin." Matapat na turan ng matanda. Malungkot akong napatango-tango saka bahagya akong napatungo. "Kasalanan ko pala kung bakit parang ibang tao na siya ngayon." Medyo sumikip ang aking dibdib. "Senyorita, parehas kayong nabigla sa mga nangyari at nasa proseso pa lamang kayong dalawa ng adjustments sa isa't-isa." Payo sa akin ni Mang Fabian. May punto naman si Mang Fabian at hindi madali ang adjustment naming dalawa. Pero ramdam ko na ang pagod ng aking isipan sutil lamang ang aking puso sapagkat ito pa rin ay lumalaban. "May dahilan Senyorita kung bakit nangyari sa inyong dalawa iyon. Hindi man mapansin ni Senyorita ngayon subalit alam kong mapapagtanto niya din ito isang araw." Patuloy pang sabi sa akin ni Mang Fabian. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam mabuti na lamang talaga at may mga taong nagmamalasakit sa akin dito sa Villa. "Mapapawi ang ano mang nararamdaman niyang tampo kapag mabigyan mo siya nang supling Senyorita." Sabi pa ni Mang Fabian. Pagak akong tumawa. "Parang malabo naman yatang mangyari iyon Mang Fabian!" Natawa naman si Mang Fabian. "Maraming paraan Senyorita alam kong bata ka pa pero batid kong alam mo ang ibig kong sabihin. Alam mo bang makailang ulit ng nakunan si Ma'am Daisy? Na sa tuwing malalaman ni Senyorito na buntis ito ay napakasaya niya? Kaya alam kong sabik siya sa bata," saad nito. Nanlaki ang aking mga mata at napatitig kay Mang Fabian. "Nagkaroon na sila ng...anak?" Hindi makapaniwalang sagot ko. Marahang tumango si Mang Fabian. "Ang unang pagbubuntis ni Ma'am Daisy nakunan siya no'ng apat na buwan na ang kanyang tiyan. Sa pangalawa naman parang dalawang buwan, sa katunayan nga nakabili na si Senyorito noon ng nga gamit pambata. Ganoon siya ka-excited at kasayang maging ama," saad pa ni Mang Fabian. Hindi ako nakaimik. "Sayang...ipinamigay na lang ni Senyorito sa mga nangangailangan. Dinala niya iyon da donation center. Iyong pang-huling kunan ni Ma'am Daisy nagkaroon na naman si Senyorita ng sigla kaso wala eh talagang hindi nagtatagal sa sinapupunan ni Ma'am Daisy ang mga anak nila." Patuloy pang sabi ni Mang Fabian. Grabe ang aking nalaman meaning talagang close na sina Alas at Daisy sa isa't-isa. Kasal na lang talaga ang kulang sa kanila matagal na ang kanilang samahan na para bang kay hirap nang buwagin. "Kaya alam kong iyon ang maglalalapit sa inyong dalawa Senyorita," narinig ko pang sabi ni Mang Fabian bago ito nagpaalaman sa akin. Napaisip ako, ano nga kaya kung aakitin ko nga si Alas para masundan ang nangyari sa aming dalawa? Alam kong madali lang akong mabuntis lalo pa't bata pa ako. Siguro at risk na si Daisy sa pregnancy nito dahil nasa trenta na ang babae. Idagdag mo pa ang mga bisyo nito kaya hindi nito naaabot ang siyam na buwan niyang pagbubuntis sana. "Senyorita, on the way na daw sina Don Arthur at Donya Helena para makapagpahinga sila saglit." Si Aling Fiona ang lumapit sa akin. "Sige po ihanda niyo na ang ating tanghalian." Bilin ko naman saka ako nagpasalamat sa Ginang. Agad namang tumalima si Aling Fiona kasunod ang isa pang katulong. Tuluyan na din akong pumasok sa kwarto namin ni Alas at muling inayos. Pinuntahan ko ulit ang guest room sinigurado kong walang palatandaan na doon ako natutulog. Sinigurado ko ding kapani-paniwalang magkasama nga kami ni Alas sa iisang kwarto. Pagtatakpan ko ang aking asawa baka sakaling mabawasan ang pagkamuhi niya sa akin kapag naging masunurin ako sa kanya. Baka maisip niya na isa akong mabait na asawa at hindi katulad ng akala niya. Kung bubuksan sana ni Alas ang kanyang puso para sa akin malamang ay masaya sana kami at nagkakasundo kahit papaano ngayon. Sayang lang at pinatili niya iyong sarado maging ang isipan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD