Kinabukasan.
Hindi pa din ako natinag sa pagtataboy sa akin ni Alas. Nanindigan akong magbabantay sa kanya hanggang sa makalabas ito nang hospital. Mabuti na lamang at puro ito tulog marahil ay iyon ang epekto ng anesthesia na itinurok sa kanya. Ganoon daw kapag naoperahan ka medyo matagal kang maka-recover sa bisa ng anesthesia lalo na sa mga caesarian Mom.
Lalabas na sana ako upang kumain sa canteen nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa doon sina Don Arthur at Donya Helena kasunod ang mga kapatid ni Alas. Gulat man ako ay agad akong nagmano sa mag-asawa. Nakamapag-mano man ako kay Donya Helena ay hindi naman siya Yulin sa akin at hindi kumibo kahit pa binati ko siya. Mabuti na lamang at nginitian ako ng mga kapatid ni Alas kaya kahit papaano okay naman ang pakiramdam ko.
"Tulog pa pala siya, salamat Sum sa pagbabantay mo sa kanya." Wika ng Don sa akin.
"Mabuti na lang at nariyan ka, Sum. Hindi namin ito malalaman kung hindi ka tumawag sadya talagang malihim itong kapatid namin." Sabi naman ni Senyorito Arvin.
"Walang ano man tungkulin ko iyon bilang...asawa niya." Kimi kong sagot at napahina ang boses ko sa pagbigkas ko ng asawa sa dulo.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Donya Helena kaya naisip ko alam ko na kung kanino nagmana si Alas. Alam ko na kung kanino niya nakuha ang pagiging malamig at mapang-mata nito sa kapwa niya. Ang buong akala ko ay napakabait ni Alas taliwas pala sa maamo, malambing at palangiti nitong mukha ang tunay niyang ugali. Habang tumatagal ay mas lalo kong nakikilala ang tunay na ugali ni Alas. Ang minsang sinamba ko, inidolo at pinapangarap ay isa palang taong may pagka-demonyo.
"Ngayon lang siya nagkaganito magmula nang dumating ka sa buhay niya." Biglang sabi ng Donya.
Napaangat ako nang aking ulo at napatingin kay Donya Helena na nakairap sa akin.
"Helena!" Sabat ng Don at pinandilatan niya ang Donya.
"Mom, naman!" Wika ni Senyorita Claudia.
"Inalagaan na nga niya si Alas ganyan pa ang sinasabi niyo," turan naman ni Senyorito Allen.
Umingos ang Donya at binalingan nito si Alas na tulog pa rin.
"Sige, ipagtanggol niyo pa siya papasaan ba at lalabas din ang tunay na kulay niya." Pasaring ng Donya.
Napalunok ako at nakagat ko ang aking sariling labi sabay tungo.
"Enough, Helena! Hindi ka nakakatulong," Singhal ni Don Arthur.
"At bakit mo ako sinisigawan ng dahil sa babaeng iyan?" galit na sagot ng Donya sabay tingin sa akin nang masama.
"Hindi mo ba alam ang salitang respeto, ha Helena?" Magkasalubong na ang kilay ng Don.
Tumikhim ako, kailangan kong kumilos bago pa uminit nang uminit ang sagutan ng mag-asawa.
"Excuse me po, maiwan ko muna kayo para makapag-usap- usap kayo ng mas matiwasay. Ayoko pong ako ang dahilan ng hindi niyo pagkaka-unawaan dito." Biglang sabat ko.
"I'm sorry, Sum!" Baling sa akin ng Don.
"Okay lang po, sige po!" Tugon ko at mabilis na akong lumabas.
Pagkalabas ko ay agad na tumulo ang aking mga luha. Mabilis ko iyon pinahid kasabay ang malalim kong paghinga. Kaya ko pa naman, saka hindi ko naman araw-araw na makakasama si Donya Helena. Kaya palalampasin ko pa din ang pagka-disgusto niya sa akin. Naiintindihan ko si Donya Helena pero ipapakita ko sa kanya mali ang akala niya sa akin. Na mali ang pagkilala niya sa akin, minsan biyenan ang umpisa nang hindi pagkaka-unawaan ang isang mag-asawa. Madalas biyenan ang nagiging mitsa ng lamat sa relasyon ng isang mag-asawa, isang biyenang pakialamera. Subalit iba sa akin dahil nga hindi niya ako tanggap na manugang, dahil isa lamang akong katulong sa paningin niya.
"Puwede ka na sigurong magpahinga sa Mansyon Senyorita may mga bantay naman na si Senyorito. Bumalik ka na lang mamayang gabi," Sabi sa akin ni Butler Hector nang makita niya ako sa hallway.
Alam kong pansin na ang puyat ko sa aking mukha kahit pa ilang gabi pa lang kami ni Alas dito sa hospital. Mukhang magandang ideya ang sinabi ni Butler Hector. Para maipahinga ko din kahit saglit ang aking puso at isipan. Baka kasi bumigay ako dahil sa sobrang pagod at puyat although sanay naman na ako. At para din maipahinga ko ang durog na durog ko ng pagkatao ayokong kaawaan ang aking sarili dahil tama si Alas, ginusto ko din ang nangyari sa aming dalawa.
"Senyorita," muling untag sa akin no Butler Hector.
Napakurap-kurap ako at marahang tumango.
"Ihahatid na kita Senyorita hanggang sa may parking lot naroon si Mang Raul." Muling nagsalita si Butler Hector.
Tango lang din ang isinagot ko parang tinamad na akong magsalita ng dahil sa nangyari kanina. Sabay na kaming naglalakad ni Butler Hector hanggang sa may parking lot. Hindi ko na naisip na magpaalam kina Don Arthur basta na lamang akong pumayag sa sinabi ni Butler Hector. Siguro nga pagod na talaga ako hindi ko lang maamin sa aking sarili. Agad kong natanaw si Mang Raul pati ang matanda ay pabalik-balik din sa hospital. Family driver kasi nila Alas ito maliban pa sa dalawang bodyguard ni Alas. Sila ang kasa-kasama kong nagpupuyat para kay Alas lalong-lalo na kay Butler Hector. Kaya panatag din ang aking kalooban na magbantay at manatili sa hospital kahit pa pinagtatabuyan na ako ni Alas.
Mansyon.
Agad kong nakita si Jenna na masayang -masaya pagkakita niya sa akin habang bumababa ako ng sasakyan.
"Mabuti naman Senyorita at umuwi ka din upang makapagpahinga ka." Masaya nitong sabi nang makalapit ako sa kanya.
Napangiti ako, kahit kailan ay nakakahawa ang kasiyahan ni Jenna. Nakikita ko sa kanya ang aking sarili, masiyahin palatawa at palabiro. Pero noon iyon biglang nagbago no'ng naging mag-asawa na kami ni Alas. Parang ninakaw ang mga katangian kong iyon ganoon siguro kapag malungkot ang isang tao. Nakakalimutan niya kung sino nga ba talaga siya!
Ni
"Ramdam ko na din ang apat na gabi at araw kong pagbabantay kay Alas." Sagot ko.
"Okay lang 'yan Senyorita! Nandoon naman na ang buong pamilya ni Senyorito. Ayaw na ayaw nga niyang ipaalam sa pamilya niya kapag nagkakasakit siya nagagalit." Saad ni Jenna.
Napatingin akong muli kay Jenna at tumigil ako sa aking paglalakad.
"Bakit naman!" Nagtatakang tanong ko.
"Ewan ko ba sa kanya Senyorita!" Kibit balikat na tugon ni Jenna.
Natigilan ako at napaisip, papaano kung magalit sa akin si Alas? Kasi sinabihan ko ang pamilya niya na na-hospital siya at naoperahan?
"Senyorita may problema ka ba? Puwede mo namang ibahagi sa akin eh huwag kang mahihiya." Untag sa akin ni Jenna.
Nginitian ko siya sabay akbay.
"Wala naman! Naisip ko lang baka magalit si Alas sa akin kasi sinabihan ko ang pamilya niya na may sakit siya at na-hospital." Pag-amin ko kay Jenna.
Si Jenna naman ang natigilan at napatitig ito sa akin.
"Ay, ikaw ang nagsabi Senyorita? Akala ko si Senyorito mismo ang nagsabi kaya narito sina Don Arthur at Donya Helena." Nakalabing tugon ni Jenna.
"So, magagalit nga siya sa akin kung ganoon. Hayaan mo na akong bahalang magpaliwanag kay Alas kung bakit!" Tugon ko.
"Kung sabagay Senyorita. Saka, emergency naman ang nangyari kay Senyorito kaya katapat ng mga magulang niya na malaman ang nangyari sa kanya." Katwiran ni Jenna.
Sobra akong natutuwa talaga na kasama si Jenna, same vibes kaming dalawa. Hindi pa man ay talagang napalapit na ang aking kalooban sa dalaga. Pati kay Mang Fabian parang ama ko na siya kung ituring ko. Medyo mailap kasi sa akin si Yaya Clara pero naiintindihan ko naman kasi alaga na niya si Alas magmula pa noong bata ito. Katunayan nga ay hindi na nakapag-asawa pa si Yaya Clara dahil ibinuhos nito ang lahat ng kanyang atensyon kay Alas. At base iyan sa kwento ni Mang Fabian kaya gustong-gusto kong kasama ang matanda. Hindi ka mababagot kasi marami itong kwentong dala na kapupulutan ng aral.
Kahit papaano ay nakatulog ako marahil ay dahil nga sa sobrang pagod at puyat. Naligo ako pagkatapos kong nagmuni-muni nang magising ako. Nasulyapan ko ang malaking orasan sa dingding ng guest room ko hapon na pala. Meaning, napahaba ako nang aking tulog ni hindi pa ako nananghalian. Nagpasya akong bumaba na para kumain pagkatapos ay aking bibisitahin ang aking mga pananim. Bigla ko din silang na-miss at gusto ko silang masilayang lahat.
"Senyorito," tawag sa akin ni Jenna.
"Bakit?" Tanong ko naman.
Papunta na sana ako sa dining room nang makita ako ni Jenna.
"Tumatawag po si Senyorito kanina pa hindi mo daw sinasagot ang kanyang tawag." Sabi sa akin ni Jenna.
Nasapo ko ang aking noo, naalala kong nag-charge nga pala ako. At hindi ko pa inalis ang pagkaka-silent mode niya. Kaya papaano ko malalamang tumatawag nga si Alas gayong pati vibrate niya ay inalis ko. Ni hindi ko na tinapunan nang tingin ang aking selpon nang magising ako at nakaligo. Naisip ko kasi wala naman akong ibang kausap sa phone na bigay sa akin ni Alas kaya hindi ko ito gaanong hawak. Saka ano naman kaya ang sasabihin ss akin ni Alas gayong natupad ns sng wish nitong umalis na ako nang hospital bilang bantay niya.
"Ano daw ang sasabihin niya sa akin?" Tanong ko kay Jena.
"Hindi ko alam Senyorita tatawag daw ulit siya mamaya. Pero kapansin-pansin sa boses niya ang pagkayamot," kibit balikat na tugon ni Jena.
Bahagya akong natawa pero may kahalong kaba. Baka nga papagalitan na niya ako kasi alam na ng pamilya nito na may sakit siya. Wala naman akong masamang intensyon nagmamalasakit lang ako sa kanya kaya walang dahilan upang magalit siya sa akin.
"Kakain lang ako saglit kapag tumawag ulit tawagin mo lang ako." Turan ko.
"Sige Senyorita," agad namang sagot ni Jena at bumalik na ito sa kanyang ginagawa.
Nagtungo naman ako sa komedor at kumain na naman akong mag-isa. May nalutong menudo at pakbet kaya ginanahan akong kumain. Pero muli kong naisip si Alas kung ano ang sasabihin niya sa akin. Dahil hindi ko mahulaan kung ano ay mabilis na lamang akong kumain. Bahala na si batman kung sesermunan niya ako nang dahil sa ipinaalam ko sa mga magulang nito ang kanyang kalagayan. Para sa akin ay mas mabuti na 'yon papaano kung namatay siya sa aking tabi eh 'di ako ang napagbintangang pumatay. Kaya mas maigi nang malaman ng mga magulang ni Alas ang nangyari sa kanilang anak.