C-10: Pagkamuhi

1718 Words
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi sa akin ng Doctor na siyang nag-opera kay Alas. Successful ang operation at walang ano mang naging balakid, walang naging problema maging sa mga vital signs ni Alas ay okay. Naging smooth ang operation ni Alas at nagpasalamat ako sa Diyos dahil dininig niya ang aking panalangin. Nasa recovery room na si Alas at ano mang oras ay ihahatid na siya private room nito. Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang tawagan si Don Arthur sa probinsiya. Hindi ko alam ang phone number nito pero nakiusap ako kina Jenna na kunin ang telephone number sa Mansyon. Pinagbigyan naman ako nina Jenna kung kaya't kay laki ng aking pasasalamat sa kanila. Nagpaalam muna ako kay Butler Hector at lumabas ako ng hospital. Tinungo ko ang kinaroroonan ng landline na puwedeng gamiting pantawag sa telephone malapit sa hospital. "Summer? Bakit ka napatawag?" boses na ni Don Arthur ang narinig ko sa kabilang linya. Huminga ako nang malalim at sinabi ko sa Don ang buong pangyayari tungkol kay Alas. Inilahad ko sa Don ang lahat hanggang sa sitwasyon ngayon ni Alas pagkatapos ng operasyon nito. "Thank God okay na siya Summer! Hindi namin alam na may sakit siyang ganyan maybe dahil sa kakainom niya ng alak." Tugon ng Don na alam mong nawala na ang pag- aalala nito. "Hindi daw po, maaaring nagbabawas daw siya palagi ng matigas. Hindi niya lang po yata pinansin kaya lumala," paliwanag ko. Narinig ko ang ingay ni Donya Helena alam kong sobra itong nag- aalala kay Alas. "We will visit him early tomorrow Art," narinig kong sabi ng Donya. Napangiwi ako, muli na naman kaming magkikita ng Donya kung saka- sakali. Pero masaya din sa kabilang banda at alam kong magpapakabait si Alas once narito si Don Arthur panigurado ko iyon. "Okay, okay! Tumigil ka na, Helena walang maitutulong iyang pagngawa mo. Pupuntahan natin siya bukas na bukas din." Pagpayag ni Don Arthur dahil sa hindi mapakaling Donya. "Sige po hihintayin ko na lamang kayo." Pagpapaalam ko na para hindi humaba ang aming usapan at kay ingay na ni Donya Helena. "Sige Summer salamat anak," sagot sa akin ng Don. Bahagyang gumaan ang aking dibdib sa tawag ng Don sa akin. Laking pasasalamat ko talaga at napakabait sa akin ni Don Arthur. Dahil kung hindi ay dagdag stress pa sa akin kapag nagkataon. Malamang sa malamang ay hindi kami ikinasal ni Alas baka binili lang nila ang aking dangal at puri kagaya ng gusto ni Donya Helena. Pagkatapos kong makausap sina Don Arthur sa telepono ay bumalik na ako sa hospital at baka naroon na sa kwarto si Alas. Mabibilis ang aking mga hakbang pabalik pero bumagal iyon nang may makita akong taong pamilyar sa akin. Papasok din ito sa hospital kung kaya't nagpasya akong habulin ito. "Anong ginagawa mo dito Daisy?" Agad kong tanong nang maabutan ko ang dalaga sabay hila sa braso nito. "Ouch, ano ba!" Asik nitong singhal. Nagkatitigan kaming dalawa, nagkasukatan nang titig. Si Daisy ang unang nagbawi nang kanyang tingin pinakawalan ko naman ang nahigit kong hininga. "Bawal ka dito alam mo 'yan," malamig kong turan. Inirapan niya ako. "At sinong may sabi sa'yo ha?" "Ako, bakit may reklamo ka?" taas noo kong sagot. Kumibot- kibot ang labi ni Daisy pero nagawa pa rin niya akong tabigin sa kanyang harapan upang makadaan siya. Mabilis ko siyang sinaklit at ibinalya sa pader saka diinan. "Let go of me! Isusumbong kita kay Alas," pagbabanta niya sa akin habang nagpupumiglas siya. Mas matangkad ako sa kanya, ngayon ko lang napatunayang iba pa rin ang laking probinsiya. Mas malakas ako kaysa kay Daisy na halatang bunganga lang nito ang malakas pero lampa pala. "Kapag sinabi kong bawal ka, bawal ka huwag kang epal. Makinig ka sa legal wife gusto mo bang bumalandra ang mukha mo sa social media bilang isang kabit at homewrecker?" Tinitimpi ko ang aking galit na kumawala at sumabog. Tumigil si Daisy sa pagpupumiglas nito, muli kaming nagkasukatan nang tinginan. Unti- unti ko siyang binitawan pero hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Biglang tumawa si Daisy saka umiiling-iling. "Tingnan mo nga naman ang isang ambisyosa. Isinusuka na nga siya ng lalaking pinakasalan niya ginampanan pa niya nang todo ang pagiging asawa niya kuno." Anito. "Okay lang, sabihin mo na ang lahat nang gusto mong sabihin. Hindi iyon mababago ang katotohanang ako ang pinakasalan at hindi ikaw." Ganti ko kay Daisy. Ngumiti si Daisy nang nakakaloka. "Asawa? Pero hindi ikaw ang mahal," "Pero ako ang legal Wife," taas noo kong sagot. Hindi nakaimik si Daisy. Humakbang ako at inikutan ko siya. "Ikaw ang mahal pero isa kang kabit. Nakikiamot sa karapatan ng isang legal Wife ngayon sino sa atin ang talo?" Dagdag kong sabi. Sinamaan niya ako nang tingin. "Huwag kang magpakasaya Summer, tingnan natin ang tapang mo kapag magaling na si Alas. Tingnan natin kung sino ang kakampihan niya sa ating dalawa!" Sabi nito. Mapait akong ngumiti. "Of course alam kong ikaw ang kakampihan niya hindi ako tanga. Kaya sinusulit ko na ngayon, Daisy!" Nakita ko kung gaano taas baba ang dibdib ni Daisy dahil sa galit nito. "Umalis ka na, huwag mong hintaying ipakaladkad pa kita." Mababa ang aking tinig pero alam kong may maawtoridad iyon. "At sinong tinakot mo, Summer?" nang-uuyam na sagot ni Daisy. "Subukan mo ako," panghahamon ko. Inikot lang ni Daisy ang mga mata nito at muli niya akong tinabig upang makadaan siya. Hindi ko siya hinila kagaya kanina lumingon pa siya sa akin at nag- dirty finger. Inilabas ko ang aking selpon at tinawagan si Butler Hector. Pagkatapos ay naglakad na din ako papunta sa direksyong tinahak ni Daisy. Pagkarating ko doon ay nakita kong pinipigilan ni Butler Hector si Daisy sa tangka nitong pagpasok sa kwarto ni Alas. Hinawakan ni Butler Hector ang nga mga kamay ni Daisy at inilayo na niya ang dalaga sa may pinto. Huminto ako nang mapadaan sila sa akin, tiningnan ko si Daisy. "Sinabihan na kita hindi ba?" Sabi ko sa kanya. "Magdiwang ka ngayon sa akin naman sa susunod na mga araw! At ikaw, Butler Hector isusumbong kita kay Alas!" Galit na galit si Daisy. "Patawad Ma'am Daisy, sadya lang na hindi pa puwedeng bisitahin si Senyorito. Nasa operating room pa siya at bawal ang hindi kamag-anak dito sana maintindihan mo." Paliwanag naman ni Butler Hector. Hindi sumagot si Daisy pero nag- aapoy ang mga mata nito ng dahil sa galit. "Girlfriend niya ako, mahal niya ako kaya puwede ko siyang bisitahin." Giit pa niya. Pagak naman akong napatawa. "Uulit- ulitin ko sa'yo, ako ang asawa. Ako ang mas may karapatan sa kanya kaya umalis ka na. Hindi ka member of the family, kaya hindi ka puwede dito. Hindi ka naman siguro bobo para hindi mo maintindihan ang ipupunto ko!" Ipiniksi ni Daisy ang kamay ni Butler Hector na nakahawak sa kanya at pinakatitigan niya ako. "Hindi pa tayo tapos Summer. Hindi pa ipinanganak ang taong magpapatiklop sa akin tandaan mo 'yan!" Pagbabanta niya at siya na ang kusang umalis. Napakurap-kurap ako pero nanatili akong nakataas noo. Hindi ko alam ang kakayahan ni Daisy sa ano mang gusto niyang gawing masama sa akin. Subalit nakahanda ako, hindi din niya alam ang aking kakayahan na gawin ang gusto ko. Parehas lang kaming hindi kilala ang isa't-isa. Alam kong lahat ng tao ay may evil side ito hindi pa siguro lumabas ang lahat ng akin kasi nagmamahal ako nang tapat ngayon. "Senyorita nasa loob na ng kwarto ang Senyorito," untag sa akin ni Butler Hector. "Ganoon ho ba? Sige po, salamat papasok na ako sa loob." Sagot ko. "Wala pa siyang malay Senyorita pero okay na daw siya sabi ni Dok." Pahabol pang sabi ni Butler Hector. "Okay lang Butler Hector salamat ulit," Turan ko. Tumango siya sabay yuko, tinanguan ko din si Butler Hector bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Pagkapasok ko, nakita kong hindi pa nga gising si Alas. Marahan akong lumapit sa kama niya at umupo ako sabay hawak sa kanyang kamay. Hinagkan ko iyon saka ko idinampi sa aking dibdib ang kamay ni Alas na hawak ko. "Damhin mo ang t***k ng puso ko, Alas ikaw ang laman nito mula noon hanggang ngayon." Madamdamin kong bigkas. "Ikaw ang aking pinapangarap na maging katuwang sa buhay. Laking tuwa ko kasi natupad iyon at ipinapanalangin kong habang buhay ay tayong dalawa na." Sabi ko pa sabay agos ng aking mga luha. Napasinghot ako. "Sana...sana matutunan mo din akong mahalin. Dahil ikaw lang ang aking mahal," Naramdaman kong gumalaw-galaw ang mga daliri ni Alas kaya marahan kong ibinalik iyon sa ibabaw ng kama. Pinunasan ko ang aking mga luha at agad na ngumiti nang makita kong magmulat siya ng kanyang mga mata. Nagkunwari akong parang walang nangyari bago ito nagising. "Daisy," bigkas niya. "Ako ito, Alas si Summer." Sagot ko naman sa banayad na boses. Hindi siya sumagot, bumaling siya sa kabilang side nito. "Bakit hindi ka pa umuwi?" Narinig kong tanong niya kahit mahina ang boses nito subalit dama ko ang lamig niyon. "Hindi kita puwedeng iwanan, huwag ka na munang magsalita nang magsalita baka makakasama sa'yo." Tugon ko. Napabuga nang hangin si Alas pero hindi pa rin tumitingin sa akin. "Ayokong magkaroon nang malaking utang na loob sa'yo Summer. Kaya huwag kang magpaka-martir at magpaka-hero diyan." Malamig niyang sabi sa akin. Napalunok ako parang may bumikig sa aking lalamunan. Nahiling kong sana naman ay kahit simpleng thank you lang ang maririnig ko mula kay Alas ay okay na. Pero hindi dahil sa kabila ng lahat nagagawa pa din niyang magalit at mamuhi sa akin. Talaga bang ganoon na katigas ang puso ni Alas para sa akin? Wala na bang natitirang maski katiting na konsiderasyon niya para sa akin, para sa aking ginagawa sa kanya ngayon? Nasaan na ang dating Alas na magiliw sa akin at laging nakangiti? Alam kong kasalanan ko ang lahat, pero deserved ko ba talagang araw-araw ay kinamumuhian niya ako? Ang araw-araw ay kinasusuklaman niya ako? Kaya ko pa ba? Pero nandito na ako, there's no turning back now! Humugot ako nang isang malalim na hininga, unti- unti ko na talagang natutunan ang maging isang manhid sa bawat pag- trato ni Alas sa akin. Kakayanin ko, ito ang aking ginusto, ang aking pinangarap kaya magiging mas matatag pa ako sa mga susunod na mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD