C-9: At The Hospital

1606 Words
Hospital. Hindi ko tinulugan si Alas tinurukan nila ito nang pampakalma kaya nakatulog. Manaka-naka ko siyanh haplusin sa ulo habang nakatitig sa kanyang mukha. Ang sabi ng Doktor na tumingin sa kanya ay appendicitis at kailangan na siyang operahan. At dahil hinanap nila ang kamag-anak niya para pumirma sa waver nagpasya akong magpakilala bilang asawa niya. Kita ko sa mukha ng Doktor kanina ang pagkabigla at pagtataka pero wala itong sinabi. Malalim na ang gabi nang mapansin kong wala pala akong suot na tsinelas o sandal. Dahil sa sobrang pag-aalala at taranta ko kanina ay hindi ko namalayang nakayapak lamang pala ako. Marahan akong umupo sa tabi ni Alas na wala pa ring malay. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ko ipinatong ang aking ulo sa gilid ng kama. Iniharap ko ang aking mukha sa mukha ni Alas, kahit malamig siya sa akin ay dadamayan ko siya sa hirap at ginhawa. Dahil iyon ang aming sinumpaan sa harap ng judge hindi man sa simbahan subalit maituturing ding sagrado iyon. Muli kong pinagmamasdan ang mukha ni Alas, napangiti ako ang dating litrato lang na tinititigan ko heto at totoo na. Hindi man maganda ang way ng pagiging malapit ko sa kanya at ngayon ay asawa ko na may malaking parte sa akin na napakasaya. Dahil ang lalaking pinakamamahal ko at pinapangarap, pinapantasya at aking inspirasyon ay abot kamay ko na. Asawa ko na for real, a dream came true at hindi ko ito sasayangin bagkus ay aking pahahalagahan at iingatan. "Senyorita," mahinang tinig at mga tapik ang siyang nagpagising sa akin. Nagmulat ako nang aking mga mata, kita kong gising na si Alas at nakatingin siya sa akin. Napangiti ako at agad kong iniangat ang aking ulo saka ko inayos ang aking pagkakaupo. Pagtingin ko ay nasa tabi ko pala si Butler Hector nakatayo at malamang siya ang narinig kong gumising sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, nasulyapan kong alas singko na pala ng umaga. Medyo papaliwanag na sa labas alam ko, may apat na oras pala akong nakatulog. "Nariyan pala kayo Butler Hector," mahina kong sabi pero kay Alas ako nakatingin. "Opo, Senyorita. Dinalhan ko kayo ng sandal na flat bumili po ako sa footwear na malapit dito sa hospital. Maya-maya nandito na po si Jena para salitan kayo sa pagbabantay kay Senyorito." Sagot ni Butler Hector. "Salamat po pero okay lang ako na bantayan si Alas," mabilis kong tugon. "Huwag ng matigas ang ulo mo," malamig na sabat ni Alas. Muling bumalik ang aking tingin sa kanya hindi ko binawi ang aking ngiti. Kahit na nasaktan ako sa malamig niyang pakikitungo sa akin ay hindi ko inalintana. "Ako ang asawa mo, kaya dapat lang na ako ang magbantay sa'yo dito." Giit ko. Malamig ang tinging ipinukol niya sa akin, dinig kong bumuntonghininga siya. "Salamat kagabi, puwede ka ng umuwi para magpahinga." Bagkus ay sabi niya. Lihim akong natuwa sa kabila ng pagsusungit niya sa akin ay nagmamalasakit din pala siya. "Hector iwan mo muna kami," bigla nitong utos kay Butler Hector. Tumango naman ang Butler at tahimik itong umalis ng kwarto. "Huwag kang umasa na magbabago ang pakikitungo ko sa'yo Sum nang dahil lang sa nangyari sa akin kagabi. Umuwi ka na at magpahinga baka ako pa ang sisisihin kapag nagkasakit ka dito sa poder ko!" Asik niyang sabi sa akin. Ang tuwang nararamdaman ko na akala ko ay nagmamalasakit siya sa akin ay napalitan na naman nang kalungkutan. Malungkot akong tumingin sa kay Alas naisip kong wala na ba talagang pag-asa na maging kami for real? "Sige na! Anytime darating na si Daisy," pagtataboy niya sa akin. Pilit kong pinatatag ang aking sarili at taas noo pa ring tumingin kay Alas. "Ako ang legal Wife kaya ako ang magbabantay sa'yo." Matatag kong sagot. Marahas na tumingin sa akin si Alas magkasalubong ang kanyang mga kilay and the fierce in his eyes. "Kailangan ko pa bang uulit- ulitin sa'yo ha Sum? Asawa lang kita sa papel lahat ng gusto kong gawin wala kang karapatang makialam maliwanag ba?" Naggagalaiting ngawa niya. "Pero sabi mo lahat ng iyo ay akin maliban sa puso mo," paalala ko din. Napaawang ang labi ni Alas na nakatitig sa akin. "Sa'yo ang hospital na ito kaya may karapatan akong salungatin ang gusto mo. Kaya hindi puwedeng umapak si Daisy sa hospital na ito," pagmamatigas ko ding sabi. Mas lalong nalukot ang mukha ni Alas, napailing-iling ito. "The nerve Sum! You've got the nerve ibang klase kang babae talaga. Hindi ka lang gold digger at homewrecker, isa ka ding scammer at puganteng kawatan." Sabi niya sa mariing wika. Bahagya akong napapikit. Ang mga salitang binitawan ni Alas, mga itinawag niya sa akin ay parang milyon- milyong patalim na tumatagos sa aking puso at paulit-ulit nitong pinagpira-piraso. Hanggang kailan ko tatanggapin ang magaspang na pakikitungo sa akin ni Alas. Hanggang kailan ko tatanggapin ang nga mga masasakit niyang salita na palaging ibanabato sa akin? "A-Alam ko sa aking sarili na hindi ako isang babae na kagaya sa mga sinasabi mo." I stammered. Ngumisi si Alas. "Of course sarili mo 'yan! Sino bang bobo ang siyang maglaglag sa kanyang sarili?" Anito. Humugot ako nang malalim na hininga at tumayo ako. Kailangan kong makasagap nang hangin bago pa mauwi sa mainit na diskusyon ang aming pag-uusap ni Alas. At para masabihan ko sina Butler Hector na huwag nilang papapasukin si Daisy dito sa hospital lalong-lalo na sa kwartong kinaroroonan ni Alas. "Magpapahangin lang ako and I'm not going anywhere," sabi ko at mabilis kong tinalikuran si Alas. "Bullsh*t Summer! Kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagkalaban sa akin, I will divorce you sooner or later tandaan mo 'yan!" Singhal bigla ni Alas. Huminto ako sa aking paglalakad pero hindi ko nilingon si Alas. Medyo natakot ako sa banta niya ayokong magdiborsyo kami. Pero, naisip kong walang divorce dito sa Pilipinas at matagal na panahon ang gugugulin bago mapawalang bisa ang isang kasal ng dalawang tao. Mabuti na lamang at nakinig ako sa mga lessons noong nag-aaral ako kaya hindi ako shunga pagdating sa mga law. "Kung ganoon, ngayon pa lang mag-isip ka na ng sasabihin kay Don Arthur," wala sa sariling sabi ko hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon bago ako tuluyang lumabas. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Alas pagkalabas ko ay napasandal ako sa pinto. Napapikit ako noon ko lang naramdaman ang gutom, puyat at pagod. "Kumain muna kayo Senyorita," boses ni Jena kung kaya't agad akong napamulat. Pagtingin ko kay Jena may bitbit itong paper bag na galing pa yata sa Jollibee. Bahagya akong natawa, pero lihim ding natuwa matagal--tagal na akong hindi nakakain ng galing sa Jollibee. My inner child is healing kasi bihira kong matikman ang produkto ni Jollibee. "Galing ka pa yata sa Jollibee?" Tanong ko kay Jena pilit kong pinapasigla ang aking boses. Ang lawak nang ngiti ni Jena. "Sabi ni Senyorito huwag na daw kaming magluto at dalhan ka na lang ng lutong pagkain. Pagkatapos binawi niya din kinalaunan sabi niya reward mo daw kaya sa Jollibee daw ako bibili," paliwanag nito. Napaawang ang aking labi, gusto kong matuwa subalit hindi ko magawa-gawa dahil nga sa sumbatan namin kanina. "Totoo ba 'yan?" tanong ko. "Oo, Senyorita! Halika na at nang makakain ka na din bago ka umuwi." Masayang tugon ni Jena. "Huwag na sa loob tulog na ang Senyorito mo. May canteen naman dito nakita ko kagabi," pigil ko kay Jena nang akma itong papasok sa loob ng kwarto. "Sige Senyorita this time sasaluhan kitang kumain wala naman tayo sa Mansyon eh!" Bungisngis ni Jena. Kahit papaano ay nahawa ako sa bungisngis nito kaya natawa na din ako. Medyo nagkaroon ako nang ganang kumain, iwinaksi ko na muna sa aking isipan ang aming pagbabangayan kanina ni Alas. "Butler Hector," mahina kong tawag sa Butler na nasa malapit lang sa pintuan ng room ni Alas. Tapos na kaming kumain ni Jena, pinauwi ko na din siya at binilinan na ibigay sa driver ang aking mg damit na pamalit. Hindi ako napilit ni Jena maging si Butler Hector na umuwi nang Mansyon. Nanindigan akong ako ang magbabantay kay Alas hanggang maoperahan at hanggang maka-recover. "Senyorita," lingon sa akin ni Butler Hector sabay tayo at lumapit sa akin. Nakabihis na ako at nakaligo, binilisan ko habang tulog na naman si Ala. Mamayang gabi siya ooperahan gusto ko ako ang nasa tabi niya pagkagising niya galing operation room. "Sa atin-atin lamang po ito, nakikiusap akong huwag niyong papapasukin si Daisy dito sa hospital lalong-lalo na dito sa loob ng kwarto ni Alas." Saad ko. Napatitig si Butler Hector sa aking mukha iyong gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa. "Naiintindihan niyo naman po siguro ako bilang legal na asawa," sabi ko pa. Marahang tumango si Butler Hector. "Sige Senyorita ako na ang bahala," pagpayag nito. Nginitian ko si Butler Hector. "Maraming salamat!" Pagkatapos no'n ay muli na akong pumasok sa loob ng kwarto. Kahit papaano ay napanatag ang aking loob sinulyapan ko si Alas na tulog pa rin. "Sorry pero kailangan kong gawin ito Alas! Kailangan kong unti- untiing putulin ang ugnayan niyong dalawa ni Daisy." Sabi ko sabay upo sa sofa malapit sa kama ni Alas. Sumandal ako at napapikit pipilitin ko ding matulog kahit saglit para may lakas akong magbantay kay Alas mamayang gabi pagkatapos itong operahan. At sana lang ay tagumpay ay gagawing operation sa kanya mamayang gabi. At kailangan ko ding sabihin kina Don Arthur ang nangyari kay Alas para naman updated sila sa kalagayan ng kanilang anak. Mas maigi pa ring malaman nila kung ano na ang nangyayari kay Alas at sa amin kahit pa wala na kami doon sa Mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD