Lahat ng tao sa loob ng conference room ay mangha at gulat na gulat na nakatingin kay Precious. Hindi sila makapaniwala na buhay ito at nagtataka din sila kung bakit iba na ang itsura nito. "Are you sure that you are Precious Real?" tanong ng isa sa mga shareholders. Magdududa nga naman talaga sila, dahil iba na ang itsura nito at ang tagal din niyang nawala. They thought she's dead. Walang makakapag-isip na buhay pa siya dahil sa pagsabog. "The one and only," sagot naman niya habang tinitingnan isa-isa ang mga tao sa loob, pero nilagpasan ng kaniyang tingin si Jacob na awang ang mga labi habang nakatingin sa kaniya. "Ibang-iba na ang itsura mo. Ayos lang sana kung..." Hindi matuloy ng isa ang gustong sabihin, dahil iniisip nito na baka ma-offend siya. "Kung pumayat lang ako?" dug