Napahinto sa paglalakad si Precious nang makita niya si Jacob na nakatayo sa lobby ng condominium. Kauuwi lang nila ni Ziyad galing out of town. Ilang araw din silang wala sa Manila dahil sa importanteng bagay na inasikaso nila. Hindi niya kasamang umuwi si Ziyad sa penthouse, dahil dumiretso ito ng kompanya dahil sa ilang dokumento na kailangan niyang pirmahan. Kailangan ang mga iyon ngayong araw. Tumikhim siya at nagdire-diretso ng lakad. Sinalubong at hinarang naman siya ni Jacob kaya huminto siya. Nagkatinginan sila. Seryoso ang kaniyang mukha samantalang si Jacob ay malamlam ang mga mata na nakatingin sa kaniya. "How are you, Diamond? Or Jade?" His voice was so calm and gentle. Taliwas sa inaasahan niya. By now, dapat alam na ng lalake na niloko niya ito. Na hindi talaga siya si D