Mukhang nagulat si Ziyad sa katanungan ni Precious. Mula sa pagkabigla ay naging malamlam ang kaniyang mga mata. Lumapit siya ng bahagya sa dalaga, nang hindi tinatanggal ang mga mata rito. Nananantya ang kaniyang mga tingin. Nagtagal ito ng ilang minuto bago siya sumagot. "We love each other," namamaos na sagot niya. Mariin siyang tinitigan ng dalaga. Iyong titig na animoy hinuhulaan at binabasa niya ang isipan ng lalake. She don't know. And she doesn't want to believe what she is seeing now. Ziyad looks serious. At para bang ang sinabi nito ay totoo. She can see love in his eyes. The love in his gaze made Precious heart's melt. Nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam. Umiikot ang kaniyang tiyan at ang kaniyang dibdib, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kalabog ni