Aayain sana ni Ziyad na maglakad sa tabing dagat ang dalaga pero natutulog na ito. Hinayaan na lang muna niya ang dalaga, dahil nag-re-recover pa lang ito sa nangyari sa kaniya. Pinagmasdan niya ito ng ilang minuto. Pinag-aaralan ang bawat sulok ng kaniyang mukha, bago siya tumayo at naglakad papuntang balcony. Tinanaw niya ang dagat na nasa harapan. Ang payapang expression ay muli na namang napalitan ng mabagsik na anyo. Mahigit tatlong linggo na din ang nakalipas nang tumawag ang mag-asawang caretaker sa kaniya. Sinabi nito na may babae silang napulot sa may dalampasigan. Sugatan at walang malay. Mukhang nagpalutang-lutang ang katawan nito hanggang sa mapadpad ito sa isla na kinaroroonan ng kanilang mansyon. Sasabihin sana niya sa mag-asawa na itawag ito sa pulis pero sakto naman