Magaling na ang mga sugat ni Precious pero nag-iwan ang mga 'to ng mga peklat. Malakas na din siya kaya gusto na sana niyang umalis sila ng bansa ni Ziyad upang ipaayos ang kaniyang mukha ngunit kailangan daw munang ayusin ng lalake ang kanilang papers. Ang mga dokumento lalo na ang passport ng dalaga ay nawawala daw kaya naman hindi sila basta-basta makakaalis. Bumalik na din si Precious sa pag-wo-work out at kasama niya lagi si Ziyad. Kaya naman laging inspired ang dalaga. For a week, ramdam niya na malaki ang nabawasan sa kaniyang size. "I need to go to Singapore for 2 days, babe..." paalam sa kaniya ni Ziyad isang gabi pagkatapos nilang kumain. Naglalakad-lakad sila sa dalampasigan habang magkahawak ng kamay. Nanahimik ang dalaga. Masaya naman siya sa mansyon pero kapag umalis an