Habang palapit nang palapit ang dalawa sa kanilang destinasyon patindi naman nang patindi ang kaba na nararamdaman ni Precious. Ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang dibdib habang iniisip ang kalagayan ng kaniyang asawa. Binabagabag din siya dahil sa nagawa niyang malaking kasalanan sa kaniyang asawa. Hindi niya alam kung bakit ginawa iyon ni Ziyad sa kaniya. Basta ang alam lang niya ay masamang tao ang lalake. Sinamantala siya. Naluluha na naman siya. Ilang beses silang nagtalik ng lalake. Hindi lang isang beses. Hindi lang isang beses na pinagtaksilan niya si Jacob. Hinilot niya ang kaniyang ulo dahil sumasakit ito. Hindi niya matandaan kung ilang araw o linggo siyang nalayo sa kaniyang asawa. Baka nag-aalala na ito sa kaniya. Naalala niya ang mga masasayang alaala nila ng