Pinagmasdan niyang maigi ang kaniyang mukha sa salamin. Halos hindi na niya makilala ang kaniyang sarili dahil ibang-iba na ngayon ang kaniyang itsura. Marahan niyang hinaplos ang kaniyang maliit na mukha. Ni bakas ng dati niyang itsura ay hindi na niya makita. Hindi na siya ito. Hindi na siya si Precious dahil si Precious ay patay na. Kumuyom ang kaniyang kamao. Anim na buwan na ang nakaraan pero lahat ng detalye ng mga nangyari ay tandang-tanda pa niya. At kahit nga sa panaginip ay dinadalaw siya ng mga alaalang iyon. Kaya sinisigurado niyang maniningil siya ng mahal. Huminga siya nang malalim. Pinakalma niya ang kaniyang sarili. Ilang buwan na din niyang sinasanay ang sarili na maging kalmado. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit at puot na nararamdaman niya. Oo galit siya, pero