Pagbalik ko ng bahay, nadatnan ko si Cora sa aking kuwarto. Nakahiga ito sa kama pero basa ang buhok. Naligo na siya. It's still five in the morning. Suot niya ang aking tshirt. Malaki ito sa kaniya kaya nagmukhang bestida. May baon siyang extra panties sa kaniyang bag lagi, iyon ang gamit niya.
"Saan ka galing at ang aga mo yatang naligo? Hinanap kita kanina."
"Ikaw, saan ka galing? Ba't ang aga mo atang umalis?"
"Ah, nag-jogging ako."
"Talaga? Kailan ka pa nagsimulang mag-jogging?"
"Kailan lang... I want to lost weight para naman gumanda ako kahit kaunti." Inikot niya ang kaniyang mata.
"Is this for your husband?"
Ngumiti ako. "Yeah. Para na din makabuo kami agad. I'm an only child kaya gusto ko ng anak."
Napangiwi siya. She sighed and shook her head.
"Gusto ba ng asawa mong magkaanak? And paano mangyayari iyon kung hindi kayo tabi matulog?"
Natahimik ako. "Kaya nga I'm working on my weight and my skin. Maligo na muna ako. And then matutulog ulit ako."
"K."
"By the way, saan ka galing?"
"Nag-swimming lang. Nainitan ako kaya nag-swimming ako."
"Sana ginising mo ako para nasamahan kita."
"Mukhang pagod na pagod ka, e. Humihilik ka nga, e. Kaya nahirapan din akong matulog. Ang lakas."
Pumasok na ako ng banyo upang maligo. Nagsuot ulit ako ng pajama bago ako nahiga sa kama. Tulog na din si Cora. Humihilik din naman siya. Mukhang pagod na pagod dahil nakanganga pa siya.
Nagising ako bandang alas-otso na ng umaga. Na-late na ako ng gising pero ayos lang naman dahil ako ang boss at wala ding appointment o kaya meetings for today.
Wala na sa kama si Cora. Nadatnan ko siya sa kusina, umiinom ng kape mag-isa. Mukhang wala sa mood.
"Good morning, Manang. Umalis na po ang asawa ko?"
Nilingon ako ni Cora. Nakataas ang kaniyang kilay, pero hindi ko na lang binigyan pansin, dahil ganito na talaga siya lalo kapag alam niyang may nam-bu-bully o nang-aapi sa akin, sanay na ako sa kaniya.
"Opo, Ma'am. Mga sampung minuto na din mula nang umalis siya."
"Sige po, Manang. Papasok na din po ako sa trabaho."
"Hindi ka kakain?" sabay na tanong nina Manang at Cora.
"Mag-salad lang ako mamayang lunch." Umismid si Cora samantalang ngumiti naman si Manang at tumango bilang suporta.
"Aalis na ako. Wala kang pasok, Cora?"
"Ubusin ko lang 'to. Sabay na ako sa'yo, wait lang." Kumagat siya sa sandwich saka humigop ng kape. Nag-text na din muna ako kay Awi para sabihin na baka nine na ako makarating. Baka kasi abutan na ako ng traffic sa daan. Ang bagal pa man ding kumain si Cora. Bihira na kaming magkasama kaya hinintay ko na lang siya para maisabay. Baka mamaya isipin pa niya na I'm not treating her well, bisita pa man din siya dito sa bahay naming mag-asawa.
Speaking of asawa. Napabuntong hininga na lang talaga ako. Hopefully, someday Jacob will finally treat me as his wife. At ang someday na iyon ay mangyayari kapag naging sexy na ako.
"Take care," bilin ko kay Cora bago ko siya ibaba.
"Ikaw ang mag-ingat lalo doon sa mga empleyado mo."
"Ikaw talaga. Siya, baka bibisita ako sa weekend kay Daddy. See you."
"Okay." Bumeso siya sa akin at naglakad na papunta sa pila ng taxi. Mag-taxi na lang daw siya pauwi. Magpapalit lang siya ng damit tapos papasok na din siya sa trabaho.
Hindi kami busy ngayon kaya mostly ng maghapon namin ay naubos sa kuwentuhan at brainstorming. And I've never have this kind of day at work before.
Sinabay ko ulit si Awi dahil sa mall lang din ang lakad ko ngayon. May appointment ako sa aking dermatologist. She gave me some meds to take and she also recommend me to her aesthetician friend, para sa facial or any treatment that will make my skin better.
Bumili lang ako ng fruits sa supermarket pagkatapos ay dumiretso na ako sa gym. Maaga pa naman para umuwi. At kahit may asawa ako, wala naman siyang pakialam sa akin.
"Awi?" Nandito din siya.
"Oh, hindi mo sinabi na dito ka pala nag-enroll? Akala ko doon ka mag-gym sa bahay niyo, di ba may gym ang mga bahay ng mayaman." Tinawanan ko lang siya.
"Feeling ko tatamarin lang ako lalo kapag sa bahay lang. Baka mahihiga lang ako at matutulog imbes na mag-gym."
"Sabagay." Kulang one hour lang ang stay ko sa gym, sinabayan ko ng pag-out si Awi. Nalaman ko na three to four times a week siya kung mag-gym, kaya napagkasunduan namin na sabay nang magpunta dito after work. Sisipagin na akong mag-gym.
Masaya akong umuwi ng bahay. Nadatnan ko pa nga si Jacob sa sala, nakaupo ito habang umiinom. Ang kaniyang laptop ay nakalapag sa kaniyang tabi.
"Good evening," I greeted him. He just glanced at me. Napansin siguro na hindi office attire ang suot ko, kaya napatitig siya sa akin ng ilang segundo. He didn't greet me back. Pero kahit na ganoon tinanong ko pa din siya ng dapat tinatanong ng isang asawa.
"Kumain ka na ba?" He didn't even glanced at me. I sighed. Nasasaktan ako sa trato niya sa akin pero masasanay din ako. Kung hindi man ako masanay, dapat magbago ang pakikitungo niya sa akin.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Kailan kaya ako mababawasan ng timbang? Paano kung magpa-lipo na lang kaya ako? Kaso natatakot ako dahil baka mamatay ako bigla. Kahit na wala akong mga kaibigan at hindi ganoon kasaya ang buhay ko, gusto ko pang mabuhay. Paano na lang si daddy kapag nawala ako? And I also wanted to experience how to be love.
Nagbasa muna ako ng book bago ako natulog. Sa sobrang pagod nakalimutan ko ng kainin iyong fruits na binili ko kanina.
Masakit ang katawan ko kinaumagahan kaya late na naman akong pumasok.
"Ayos ka lang ba, hija?" tanong ni Manang. Kung wala si Manang sa bahay na 'to baka tuluyan na akong mababaliw. Nag-aalmusal si Jacob. Nandito pa din siya? Sinulyapan niya ang bitbit kong duffel bag pero wala siyang sinabi.
"Ayos lang po..." Ngumiti ako.
"Papasok na po ako, Manang. J-Jacob."
Suddenly I got too emotional. Naalala ko ang ilang dates namin before our wedding. Pati na din iyong iilang palitan namin ng text messages. Umiiyak ako habang nag-da-drive ako. Hininto ko na lang muna saglit sa gilid dahil nanlalabo na ang aking paningin.
What happened? Bakit malamig pa siya sa malamig sa akin?
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Awi sa akin. Dinalhan niya ako ng kape. Nakatulala ako pero hindi na umiiyak.
Ngumiti ako sa babae.
"If you want to talk about it, I'm here." Lumabas din siya agad. May mga kailangang tapusin na report ngayon kaya medyo busy sila.
Sinubukan kong i-text si Jacob, pero sa huli, binura ko lang din.
Nag-gym uli ako after work. Pupunta sana ako sa aesthetic clinic kaso fully book daw sila ngayon sabi sa text ng kanilang receptionist. Nagpa-schedule na lang ako sa sabado para mapagawa ko ang mga iba pang puwede kong ipagawa na treatment sa kanila.
Pagkauwi ko, nadatnan ko ulit si Jacob. He's drinking again. Sinulyapan niya ako ngunit walang sinabi.
"Good evening. Kumain ka na ba?" Hindi man lang talaga sumagot. Iniwan ko na lang siya.
Hatinggabi nang maalimpungatan ako. Nakabukas ang aking bintana kaya narinig ko ang pagdating ng sasakyan. Umalis ba si Jacob kanina? Gustuhin ko mang bumangon kaso antok na antok talaga ako. Napagod ako sa gym kaya hinihila ako ng antok.
Paggising ko nagulat ako nang makita ko si Cora sa aking kuwarto. Nagkakape ito at mukhang bagong gising lang.
"Good morning..." Parang ang ganda ng mood niya dahil ang laki ng ngiti niya sa labi.
"Dito ka natulog?"
"Oo. Tulog na tulog ka at hindi mo man lang ako namalayan na dumating."
"Ah..."
"Galit si Nanay sa akin kaya dito na lang muna ako nakitulog. Pasensya ka na."
"Ayos lang." Ang sakit ng katawan ko kaso kailangang magtrabaho.
"Nga pala, friend..." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Ano iyon?"
"Baka gusto mong mag-invest sa company ko." Ngumuso siya.
"Sa daddy mo sana kaso nahihiya ako. Baka sulsulan din siya ng Nanay na huwag mag-invest."
"Sure. Iyon lang pala, e."
"I'll write you a check."
"Is two million enough." Nagsisimula pa lang naman siya so I was thinking na mag-start siya into small capital. Sabi nga, invest what you can afford to lose.
"Baka puwedeng gawin mo ng ten million."
"Ten million? Ano'ng business ba iyon? By the way hindi pa natin iyan napag-usapan."
"Ahm... Ano, apartment. May bibilhin akong property tapos ipapa-renovate ko para gumanda. Ahm... Bale magiging thirty units siya."
"Well, mukhang maganda naman. Okay, I'll write you a check, kaso wala pala akong check book dito. Nasa opisina ko."
"Sige pupunta na lang ako sa opisina mo mamayang tanghali. Thank you! The best ka talaga!"
"Ikaw talaga. Binola mo pa ako. Basta ikaw... I'm always here for you."
"I love you, friend. Basta kailangan mo ako, I'm always one call away."
"Oh, siya, maligo na ako at late na naman ako. Byernes pa man din ngayon."