Isusubo ko na sana ang pagkain na nilagay ko sa aking plato nang maalala ko na kailangan ko nga palang mag-diet. Ang hirap panindigan lalo kung ang pagkain na ang nagiging comfort mo kapag stress ka.
Para sa akin din naman 'to. Para sa amin ni Jacob, kaya kailangan kong tiisin. Naggatas na lang ako at ilang piraso ng grapes. Hindi nakakabusog pero kalaunan ay masasanay din ako.
Umakyat na ako sa aking silid. Muli na naman akong nakaramdam ng kalungkutan. Ayos naman ako nang single ako, ang nagpapalungkot lang naman noon sa akin ay ang kaisipan na hindi ako gusto ni Jacob. Pero ngayon na kasal na ako, siya pa din ang nagpapalungkot sa akin.
Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw dahil sumasakit ang aking tiyan. Naninibago siguro dahil hindi na ako kumakain ng madami kaya sumasakit ngayon. Bumaba ako upang kumuha ng hot water, para makainom ako ng tea at gamot.
Paakyat na ako nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Ngayon lang umuwi si Jacob?
Hinintay ko ito at nang makita na lasing ang aking asawa ay mabilis ko siyang nilapitan upang alalayan, dahil kamuntik siyang mapasubsob sa sahig.
Tinabig niya ako. "Sasamahan lang kita sa kuwarto mo," marahang sabi ko habang hindi pa din siya binibitawan.
Nakapikit na ang kaniyang mga mata at pagewang-gewang na din siyang maglakad.
Dinala ko siya sa kaniyang kama.
"Lumabas ka na!" utos niya pero hindi ako lumabas. Tinanggal ko ang kaniyang sapatos at medyas. Tinulungan ko din siyang hubarin ang kaniyang polo. Pahirapan dahil ayaw niyang makipagtulungan. Tinatabig pa niya ako.
"Why did you marry me if you don't want to sleep beside me?" Hindi ko maiwasang itanong.
"Hindi mo ba ako gusto?"
"I don't like you..."
Nagsimula nang manubig ang aking mga mata.
"Why? Why did you marry me? Ikaw pa ang nagpropose sa akin..."
Nahubad ko na ang kaniyang damit. Humihilik na ito. Hindi na niya nasagot ang aking tanong at hindi na din pumalag nang kalasin ko ang butones ng kaniyang pants.
Iiwanan ko na sana siya pero nakita ko na pinapawisan siya. Nagpunas ako ng luha at bumuntong hininga. Kumuha ako ng face towel at binasa ito upang ipamunas sa kaniya. After drying his skin, I went back to my room.
Umiyak ako nang umiyak. I wanted to ask my father the reason why Jacob marry me but it will just make him worried. Masaya siya na kinasal ako. Masaya siya na kasal na ako sa lalakeng simula pagkabata ay gustong-gusto ko na. Ayaw ko siyang maging malungkot.
Hindi na din ako nakabalik pa sa pagtulog kaya nagdesisyon akong lumabas upang mag-jogging, pero dahil mabigat ako walking lang ang ginawa ko.
Ako ang naghanda ng breakfast ni Jacob, kahit sinabi niya na hindi siya kumakain ng breakfast. Mahilig siyang kumain, iyon ang sabi ni Manang, na nagpalaki na sa kaniya.
"Huwag mo na lang po sabihin na ako ang naghanda," utos ko sa matandang katiwala bago bumalik sa aking silid. Naghanda na din ako sa pag-alis, kailangang mauna akong umalis ng bahay kaysa kay Jacob.
"Mukhang puyat na puyat ka, ah..."
Napatingin ako kay Awi, ang isa sa mga empleyado ko.
"Hi..." Nginitian ko lang siya. Dati ko siyang kaklase ng high school, pero hindi kami naging friends. At ngayon na kasama ko siya sa trabaho at nakilala siya, tinatanong ko ang aking sarili kung bakit hindi ko siya naging kaibigan noon.
"Coffee?"
Nilapag niya ang isang mug. Nakita kong may creamer iyon kaya umiling ako.
"Sorry pero black na ngayon ang iniinom ko."
"Oh... Sige, gawan kita ng bago." Lumabas na siya ulit sa aking opisina at bumalik na may dalang black coffee.
"By the way congratulations on your wedding. Ba't ka pala pumasok agad? Akala ko mag-li-leave ka ng one month. Alam mo na..." Ngumisi siya. Hindi naman ako nakaimik. Iyon nga ang plano ko sana ang mag-leave at pagkatapos ng honeymoon ay papasok lang ako twice o thrice a week kaso hindi umayon sa plano ko ang lahat.
"Sorry, masyado akong pakialamera."
"No. It's okay. Busy si Jacob sa work kaya..."
Ngumiti na lang siya.
"Sige, babalik na ako sa working station ko. If you need anything, just call me."
"Thanks, Awi."
Wala naman kaming pinag-usapan pero iyong simpleng conversation namin ni Awi ay nakapagpagaan ng nararamdaman ko. Hindi ko namalayan ang oras dahil naging busy ako sa work.
"Precious..." Hindi nila ako tinatawag na Ma'am, dahil iyon mismo ang bilin ko.
Hinubad ko ang suot kong eyeglasses. Nakasilip si Awi at may dala itong dalawang container ng pagkain.
"Hindi ka pa kumakain..."
Hapon na pala. "I'm on a diet..."
"Nagfa-fasting ka ba?"
"Hindi naman. Nagtanggal lang ako ng sweet at mga unhealthy foods."
"Tamang-tama, um-order ako ng salad."
Nilapag niya ito sa aking table. Dalawang klase ng salad ang dala niya.
"Nag-da-diet ka din?" Hindi naman siya obessed. May mga bilbil pero normal lang naman. She still look pleasant, unlike me na mauumay kang tingnan.
"Yes. May PCOS kasi ako, kaya healthy living na."
Kumuha siya ng dalawang bowl at naglagay na doon ng pagkain. Binigay niya sa akin at sa may container na siya kumain.
Hindi ako magaling makipag-usap. Hindi ko alam kung paano simulan ang isang conversation kaya hirap na hirap ako habang magkaharap kami ni Awi.
Ngumiti siya nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
"Scholar ako ng familyo niyo, kaya nakapagtapos ako ng college."
"Talaga? Bakit hindi ka nag-apply sa company ni Daddy kung ganoon?"
"Doon ako galing, kaso nang mabalitaan ko na magbubukas ka ng sariling business nagpaalam ako sa daddy mo na gusto kong magtrabaho sa'yo."
Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Napatunganga ako.
Tumawa siya nang mahina.
"Did I make you uncomfortable?"
Marahan akong umiling. "No... Not at all." Tumawa na din ako. This woman wanted to be friends with me.
Bakit nga ba hindi kami naging magkaibigan noon? Ah, naalala ko na. Sabi ni Cora binu-bully siya ng mga 'to. Tinitigan ko ang babae. Nagbago naman na sigurong siya, di ba? We're already adults. Siguro naman wala siyang ibang agenda kung bakit niya piniling sa akin magtrabaho kahit na regular na siya sa kompanya ni Daddy.
Natapos na ang oras ng aking trabaho pero wala pa ding reply si Cora. Nagtatampo na ako sa kaniya pero alam ko na gusto niyang maging productive this year kaya sobrang busy niya.
"Ms. Precious, kakain kami sa labas..." sabi ng ibang mga empleyado ko.
"Sama ka sa amin..."
"Sasama ka?" tanong ko kay Awi dahil hindi ito umiimik. Inaayos na niya ang kaniyang mga gamit.
"Next time na lang..."
"Libre ka na namin, Awi. Tara na, sama ka na. Mukhang sasama sa atin si Ms. Precious, ngayon lang 'to..."
Wala siyang pera kaya hindi siya makakasama?
"Sagot ko na ang dinner natin," nakangiti kong saad. Hindi ko pa pala sila nati-treat ng dinner o lunch. Hindi naman ako madamot na boss. May mga iba't ibang incentives ako na binibigay ayon sa performance nila kaya masisipag ang mga empleyado ko pero never pa akong nakihalubilo sa kanila. Nahihiya kasi ako.
"Tara, Awi?" Nag-alangan na ngumiti si Awi pero kalaunan ay pumayag din siya.
Samgyup ang gusto nila. Ayos lang naman siguro 'to sa diet ko. Dadamihan ko na lang ng lettuce.
Masayang kasama ang mga empleyado ko. Hindi din ako na-OP. Lagi nila akong tinatanong at sinasali sa usapan. Kulang na lang ay sila din ang magsubo sa akin ng pagkain.
Um-order na din kami ng ilang soju dahil request ng ilan sa mga lalake, pero hindi ako uminom. Hindi din uminom si Awi, dahil healthy living daw siya.
"Thank you, Ms. Precious. Dalasan pa natin lumabas ng ganito."
"Mahiya ka naman! Papalibre ka lang, e."
"Hindi, ah. KKB na tayo next time."
"Puwede naman kada sahod." Ngumiti ako. Para siguro akong tanga, dahil hirap akong makipag-usap.
Sumakay na ako sa kotse ko. Nag-taxi naman ang mga parehas ang uuwian para makatipid. Napansin ko si Awi na naglakad lang papuntang highway kaya hinintuan ko siya.
"Saan ka umuuwi?"
"Malapit lang."
"Saan? Baka madaanan ko, isabay na lang kita."
"Malapit lang po ako sa mall."
"Sige... Idaan na kita."
Habang nasa byahe tumawag si Cora.
"Nasa mall ako ngayon, ikaw nasaan ka?"
"Pauwi na."
"Daanan mo ako. Hindi ko dala ang sasakyan ko." She sound upset.
"Bakit?"
"Nakakainis! In-indian ako ng kausap ko." Mukhang LQ sila ng boyfriend niya na hindi ko kilala.
"Sige, mga ten minutes nandiyan na ako." Ma-traffic kaya baka abutin pa ng ten minutes ang 4 mins drive lang sana.
"Ba't pala hindi nag-work sa'yo si Cora?" tanong ni Awi.
"Gusto niyang mag-start ng sarili niyang business din."
"Ah. Halos hindi kasi kayo noon maghiwalay na dalawa."
Ngumiti ako. "Wala naman kasing ibang may gustong makipagkaibigan sa akin noon. Na-bu-bully ako lagi dahil sa itsura ko."
"Madami namang may gustong makipagkaibigan noon sa'yo..." sagot niya kaya napasulyap ako sa kaniya.
"Talaga?"
Tumango siya. "Ilang beses ka naming inaya noon tuwing may birthday ang isa sa mga kaibigan ko, kaso sinasabi ni Cora na hindi ka puwede." Sinasabi ni Cora iyon?
"Alam mo naman si Cora, overprotective sa akin," sabi ko na lang pero napapaisip ako dahil hindi ko man lang alam iyon.
Nag-text ako kay Cora na hintayin na lang niya ako sa may exit ng mall, dahil hindi na ako papasok pa. Gusto ko ng umuwi, dahil inaantok na ako.
Hindi ko pa pinababa si Awi dahil sa may kabila pa ang way niya. Mag-u-uturn din naman ako kaya doon ko na lang siya ibababa.
Nakasimangot si Cora nang makita na may nakasabay sa passenger seat.
"Si Awi..." sabi ko kay Cora. Doon pa lang siya ngumiti.
Nang makababa si Awi, nagsimula ng mag-rant si Cora.
"Ba't mo sinasabay iyon? Don't tell me pinagpapalit mo na ako sa kaniya porket busy ako."
"Grabe naman sa pinagpapalit. Hindi ba puwedeng sinabay ko lang?"
"Ba't mo sinabay?"
"Ikaw talaga... Be nice, okay?"
"Tsssk!"
"Hindi pa ako kumakain," yamot niyang sabi.
"Kumain na kami."
"Sino'ng kasama mo? Iyong Awi na iyon?"
"Mga empleyado ko."
"Baka mamaya sinasamantala ka na pala nila, ha. Ikaw pa man din 'tong sobrang bait, kayang-kaya ka nilang utuin." Natahimik na lang ako. Hindi naman nila ako inuuto. Hardworking at mababait ang mga empleyado ko kaya I don't think na may ganoon silang plano sa akin.
"Doon na lang ako sa bahay niyo uuwi."
"S-Sige."
Pagdating namin sa bahay ay wala pa si Jacob. Nagluto naman si Manang kaya iyon na lang ang kinain ni Cora.
"Doon ka na lang sa room ko matulog," sabi ko kay Cora. Hindi na din siya nagtaka na doon ko siya patutulugin dahil alam naman niya ang estado namin ni Jacob.
Matapos maligo, nakatulog ako agad. Alas-kuwatro na ng magising ako dahil sa aking alarm. Kailangan kong mag-jogging, bago ako umalis ng trabaho.
Nagtataka ako nang mapansin na wala si Cora sa kama. Malinis din ang aking tabi. Ang bedsheet at unan ay hindi man lang nalukot.
Nasaan kaya siya?
Nagbihis ako ng aking pang-jogging at bumaba na.
Napansin ko na bukas ang ilaw sa kusina kaya nagpunta ako doon sa pag-aakalang si Cora iyong narinig ko, kaso si Jacob pala. Nakatalikod siya at umiinom ng tubig. Hubad ang kaniyang baro at napansin ko na mayroon siyang mga pulang pantal doon. Ang iba ay pahaba na para bang kinalmot siya. Baka nakatihan kaya kinamot niya ang kaniyang likod.
Hindi naman niya magugustuhan makita ako kaya lumabas na lang ako na walang imik. Kailangan kong magpapayat para sa sunod kaya na akong tingnan ng matagal ng aking asawa.