LAB — 7

1615 Words
Natapos ang araw na halos hindi ko nakasama ang aking asawa. Hindi man lang siya sumunod sa amin. Ginugol niya ang buong maghapon sa harap ng kaniyang laptop at kung kailan nakaalis na ang mga pinsan niya at sina Cora, akala ko makakapag-solo na kami, kaso inaya niya akong umuwi. "Kailangan kong humabol sa flight mamayang ala-una," aniya. Wala akong nagawa kung hindi mag-empake ng aking mga damit. Umuwi kami sa kaniyang bahay. Isang two storey modern type house na tamang-tama lang para sa nagsisimula ng pamilya. May swimming pool pero walang tanim na halaman ang garden area. Nakaalis na siya at ako naman ay naiwan na mag-isa. Hindi ako makatulog kaya nilibot ko na lang ang buong bahay. Hindi man lang kami nakapag-bonding. Wala din nangyari sa amin sa supposed to be first night namin. Malungkot ako pero pilit kong nililibang ang aking sarili hanggang sa makaramdam ako ng antok. Kinaumagahan, maaga akong umalis upang um-attend ng meeting sa kompanya ni Daddy. Nalipat na ni Dad ang 40 percent na share sa akin kaya kapag meeting uma-attend ako. Hindi sana ako a-attend kaso nalaman ni Daddy na nakabalik na kami ng Manila ni Jacob. May mga bagong projects ang kompanya for this year. And we'll be working with some great companies. "How are you, Anak?" Katatapos lang ng meeting. Lumabas kami ni Daddy at sa restaurant kumain ng lunch. "Ayos naman po, Daddy." I manage to give him a sweet smile. I don't want him to worry. I don't want to tell him that I was not that happy. I'm happy that I'm married to Jacob but not that happy. Hindi iyong level ng saya na ine-expect ko ang nararamdaman ko ngayon. "I'm happy for you. Pumirmi ka na muna sa bahay niyo ni Jacob para makabuo kayo agad." Well, gusto ko ding gawin iyon. Pero kung wala naman si Jacob sa bansa, malulungkot lang ako lalo kapag magkukulong ako sa bahay. Ilang araw ang lumipas. Wala pa din si Jacob. Wala din kaming komunikasyon. He's not even calling or texting me. Umuuwi ako ng bahay after work at gigising ng maaga upang umalis ng bahay para magtrabaho. "Hindi ka nag-reply kahapon," sabi ko kay Cora. Nagkita kami dito sa paborito naming coffee shop. "Kararating ko lang kaninang madaling araw..." "Saan ka galing?" "Nag-out of town lang..." Napataas ang kilay ko. "Who are you with?" "Secret." Tumawa siya, iyong tawang kinikilig at tawang malandi. "Ikaw ha..." Nanunukso ko siyang tiningnan. "By the way, kumusta ang bagong kasal? Ano, nawasak na ba?" Bumuntong hininga ako. Gusto kong sabihin sa kaniya na wala pang nangyayari sa amin ni Jacob dahil ilang araw na itong wala pero ayaw kong mag-alala siya sa akin. "Ayos lang..." "So, tell me about it. Masarap ba? Malaki ba? How's the first?" "Ikaw talaga..." "Come on, ikwento mo na sa akin." "Masakit... Pero masarap?" Bahala na. Basta hindi niya puwedeng malaman na may problema na ako agad kakakasal ko pa lang. She laughed. "Galingan mo..." Tinuruan pa niya ako kung ano ang mga kailangan kong gawin. Kaso mukhang hindi naman applicable sa relationship namin ni Jacob. Hindi applicable sa kagaya kong mataba. Baka magreklamo lang siya kapag sinakyan ko siya. Baka mapisa siya. Kaya imbes na ma-turn on, e, ma-turn off siya sa lalo sa akin. Alas-siete ng gabi nang maghiwalay kaming magkaibigan. Umuwi ako ng bahay na malungkot pero agad nagliwanag ang aking mukha nang madatnan kong bukas ang ilaw. "Jacob?" "Ah, ma'am..." Lumabas mula sa kusina ang isang matandang babae. "Ako po ang magiging kasambahay niyo." "Ah... Okay po. Ano pong pangalan niyo?" "Mamemg po, Ma'am." "Precious po, Manang Mameng." "Dumating na po ba ang asawa ko?" "Ah, opo. Pero umalis din po agad. Nagmamadali." Bagsak ang balikat ko. "Sinabi po ba niya kung saan siya nagpunta?" "Hindi, hija, e. Pero sabi niya babalik din daw siya agad. Huwag mo na siyang hintayin." "Sige po..." Malungkot akong nagtungo sa aming silid. At nadatnan ko ang isang maid sa aming silid na tinatanggal ang mga damit ni Jacob sa loob ng closet. "Saan mo po dadalhin ang mga iyan?" "Ah, inutos po ni Sir Jacob na dalhin po sa kabilang kuwarto." "Bakit daw po?" Napakamot ito ng ulo. "Sa kabilang kuwarto ako, hindi ako sanay na may katabi." Napalingon ako kay Jacob. Dumating na siya. Ilang araw ko siyang na-miss. Gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan pero na-realize ko ang sinabi niya. Mag-asawa na kami, pero bakit hindi kami magtatabi matulog? "Malaki naman ang bed... Kasya tayong dalawa." Tiningnan niya ako. Tingin na ginagawa ng mga tao na namimintas sa akin. At kahit wala pa siyang sinabi, nasasaktan na ako agad. "Hindi ako sanay na may ka-share sa bedroom." Napayuko na lang ako. Why did he marry me then? Hindi na ako nakapagsalita pa. Nanlulumo ako. Nagpunta ako sa loob ng banyo at doon tahimik na umiyak. Why did he marry me if he's disgusted with my size and with my looks? Nakatulog ako nang mapagod akong umiyak dahil sa sama ng loob. Kinaumagahan maaga pa din akong bumangon upang maghanda ng almusal para kay Jacob pero hindi niya iyon ginalaw. Hindi daw siya kumakain sa umaga. "O-Okay. Ano'ng oras ka pala uuwi?" "Baka gabi na. Birthday ng isa sa kaibigan ko." "Can I come?" "Maiilang ka lang..." Maiilang o kinakahiya niya ako? Sanay na akong napipintasan, pero hindi ko pa din maiwasan na makaramdam ng sakit. Pero wala ng mas sasakit pa na ang aking sariling asawa ang tumatrato sa akin ng ganito. Hindi na lang din ako kumain. Siguro kailangan kong mag-diet, mag-gym at magpaganda. Sabi nga if you look good you'll feel good. Hindi ko naman masisisi si Jacob kung hindi siya nagagandahan o nase-sexy-han sa akin, dahil iyon naman ang totoo. It's okay, Precious. Don't be sensitive. Normal na iyan sa isang mag-asawa. Habang nagmumuni-muni ng ilang oras, bigla kong na-realize na baka kaya ako pinakasalan ni Jacob dahil sa mga magulang namin. Mag-me-merge ang mga kompanya namin kaya siguro napagkasunduan ng mga magulang namin na ipakasal kami. Hindi na nasabi ni Daddy sa akin dahil gusto niya akong surpresahin. Alam ni Daddy na matutuwa ako. And it worked! Pero ang saya ko nitong mga nakaraang araw after Jacob and I got engaged was immediately changed into despair. Bumuntong hininga ako. Think Positive Precious. Naging asawa ko na ang lalakeng gusto ko, kaya hindi ako dapat nalulungkot na para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Kailangan kong gawin ang lahat para maging okay kaming mag-asawa, kailangan kong paibigin ang asawa ko. Kinagabihan inaya ako ni Cora na lumabas. Total hindi naman maagang uuwi si Jacob, sumama na lang ako sa aking kaibigan. Pero sa restaurant na pinuntahan namin, doon din pala nagdaos ng birthday party ang kaibigan ni Jacob. "Oh, nandito pala ang asawa mo..." Huli na para pigilan ko si Cora na lumapit sa kanila. Hiyang-hiya ako kaso wala akong magawa kung hindi sumunod sa aking kaibigan. Bumeso siya kay Jacob. "Oh, siya ba ang asawa mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan niya. Isa lang ang kilala ko sa kanila at nakakakilala sa akin. Tumawa si Cora. "No. Bestfriend ko ang napangasawa niya. Hindi niyo pa ba siya na-meet? Teka, ba't wala kayo sa wedding nila?" sagot naman ni Cora. Hinila ako ng aking kaibigan sa kaniyang tabi. Pinakilala niya ako sa mga kaibigan ni Jacob at kitang-kita ko ang pagkadismaya nang malaman na ako ang asawa. Nabura ang mga ngiti nila para kay Cora sa pag-aakalang ito ang asawa ni Jacob. I feel offended. Parang babagsak ang luha ko pero pinigilan ko. "What are you doing here?" May galit na bulong ni Jacob sa akin. "Ah, kakain lang sana kami ni Cora dito... Hindi ko alam na dito pala kayo ng mga kaibigan mo, I'm sorry." Gumalaw ang kaniyang panga at kita ko ang matalas na tingin niya kay Cora. "W-Walang k-kasalanan si Cora. Hindi naman kasi niya alam. Wala siyang alam sa nangyayari sa relasyon natin." "Ah, Cora. Masakit ang tiyan ko, puwede bang umuwi na lang tayo?" "Huh? Bakit tayo uuwi? Kararating lang natin, ah." At ngayon pa siya hindi makaramdam talaga. Hindi siya gumalaw sa kaniyang kinauupuan. Hindi siya mapilit. "Ipahatid na kita sa driver kung masama ang pakiramdam mo," sabi ni Jacob. Medyo masungit pa din ang itsura. Napatingin na din sa akin si Cora at mukhang doon pa lang niya naintindihan ang sitwasyon. "Sama na ako..." Habang nasa sasakyan kami, nagtanong si Cora. "Nagalit ba si Jacob na nagpunta tayo doon?" "Boys night out kasi nila iyon," pagdadahilan ko. "Okay. Hindi mo naman kasi sinabi." Nginitian ko lang siya. Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. "Sabihin mo nga sa akin, kumusta kayo ni Jacob? Parang ilang araw pa lang kayo mula ng kinasal pero parang hindi na kayo agad okay." "Ang totoo... Wala pang nangyari sa amin," nahihiya kong sambit. "Bakit?" "Hindi kami magkatabi matulog." Suminghap siya. "Really? Ano sa tingin mo ang dahilan?" "Sa itsura ko." Naiiyak akong nag-iwas ng tingin. Inakbayan naman niya ako. "Sorry to hear that. Baka busy lang siya o kaya may problema sa work. Huwag ka ng umiyak." "Thank you, Cora. Naiyak lang ako pero syempre hindi ako basta susuko kay Jacob. Alam mo naman na mula nang nine years old pa lang ako, mahal ko na siya." "Yeah. That's the spirit! Gawin mo ang lahat para ma-inlove siya sa'yo." "Oo, magpapapayat na ako." "Sure ka, kaya mo?" "Oo, para magmukha akong presentable at para kaya na akong tingnan ng aking asawa." "Sige, support kita diyan. Andito lang ako dati. I love you, bestfriend." Tumawa ako. "Mahal din kita, Cora. Salamat dahil palagi kang nandiyan para sa akin." "That's what friends are for."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD