Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Aug 24, 2017 Part 45: Mga kalaban sa dilim "Mataas ang lagnat ni Rouen. Ginamot ko na ito ngunit ayaw pa ring bumaba." ang wika ni papa "Pa, ako na po ang bahala. Mag pahinga na kayo ni mama." tugon ko sabay kuha sa aking anak. Niyakap ko ito at inilabas sa balkunahe habang hinaplos ang likod. "Eto na si papa, huwag kana umiyak ha." ang bulong ko habang ang aking kamay ay nakalagay sa kanyang likuran at pinipilit kong pababain ang kanyang lagnat. "Maayos naman siya kanina. Tapos ay bigla na lamang umiyak na parang kinatatakutan at pag katapos ay nilagnat na." ang wika ni Rael na hindi maitago ang pag aalala. "Marahil ay may kinatakutan lamang siya. Heto at bumaba na ang lagnat niya. Siguro ay kailangan ko lang punas