Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Aug 28, 2017 "Sasama ako. Kailangan nila ng tulong ko." pag pupumilit ko "Pero kailangan ka rin ni Rouen. Ganito nalang, bigyan mo ako ng tatlong araw, kapag hindi nakabalik ay puntahan mo ako sa Kailun. Deal?" ang naka ngiting wika nito sabay halik sa aking labi. Maya maya ay hinubad niya ang kanyang kwintas na nakapag bubukas ng portal. Ito ang ginagamit ng hari upang makatawid sa aming mundo. "Itago mo ang kwintas na ito, kung sakaling hindi ako bumalik sa loob ng tatlong araw ay maaari mo akong puntahan doon. Huwag kana malungkot." bulong pa niya Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at dito ay nag pasya akong ayusin ang kanyang mga gamit. Mula sa pag kain, mga pantalon, t shirt at pati ang mga sapatos na binili namin dito sa ma