Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Aug 29, 2017 Part 47: Ang Lupain ng Nur Katulad ng set up, bago lumitaw ang haring araw sa kalangitan ay tumulak na kami patungo sa Silangan upang hanapin si Rael. Apat lamang kaming mag lalakbay, ako si Oven, Niko at Heneral Liad gayon pa man ay sagana naman kami sa supply at suporta mula sa palasyo. Habang kami ay nag lalakbay ay hindi ko tuloy maiwasang mangamba lalo't paulit ulit na sumasagi sa aking isipan si Rael na noon ay bihag sa ibang lugar. "Si Heneral Kier ang sinasabing nag tataglay rin ng piraso ng puso ni Egidio. Ito ay may dalawang katauhan na may kakayahang gumamit ng mga elemento. Ang babae ay bihasa sa pag gamit ng tubig at ang lalaking katauhan niya ay may kakayahang gumamit ng apoy." ang paliwanag ni He