Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Aug 31, 2017 Part 48: Ang Bandidong si Epidur "Makabubuti kung dumito muna tayo sa tagong lugar upang hindi nila maramdaman ang ating prisensiya." bulong ni Heneral Liad habang naka tago kami sa damuhan "Yan na ba ang mga bandido? Wala man lang gwapo. Nakaka inis naman." ang bulong ni Oven "Wag ka maingay baka makita nila tayo." tugon ko Maigi naming pinag mamasdan ang may ari ng panuluyang bahay kasama ang tatlong lalaking humihila ng karitong may ginto patungo sa mga lalaking nakatayo sa di kalayuan. Sa aking palagay ay mga bandido nga iyon batay sa kanilang kasuotang kakaiba sa aming paningin. Nasa 10 katao ang mga ito at malalaki pa ang katawan. Armado rin sila ng kakaibang armas kaya naman pala nababahag ang bun